Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics
- Published on May 31, 2022
- by @peoplesbalita
BUHOS ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na siyang humahawak sa Miami Heat.
Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Conference championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals.
Ang mananaig sa pagitan ng Miami at Boston ang siyang haharap sa Golden State Warriors na nauna nang umabante sa finals matapos sibakin ang Dallas Mavericks, 4-1, at pagharian ang Western Conference.
Magsisimula ang Game One ng NBA Finals sa Biyernes (Manila time) sa San Francisco.
Kaya naman todo ang pag-cheer ng mga Pinoy fans sa Heat para makapasok ito sa finals.
Kanya-kanyang post sa social media ang mga Pinoy basketball fans dahil isa na namang Pinoy pride ang namamayagpag sa NBA sa katauhan ni Spoelstra.
Tila dala ni Spoelstra ang ‘never-say-die’ attitude ng mga Pinoy sa NBA.
Bago ang Game Six ay nakaabante na ang Boston sa 3-2 sa kanilang best-of-seven series.
Subalit hindi sumuko ang Miami nang resbakan nito ang Boston sa iskor na 111-103 sa Game Six para maipuwersa ang deciding Game Seven.
“There’s no two better words. Game 7. Look, we’re here. This is the way it should be with these two teams. It should have gone seven games,” wika ni Spoelstra.
Handa na si Spoelstra at ang kanyang mga bataan na ibuhos ang lahat upang muling makatuntong sa NBA Finals.
“Bring this thing back on the 29th. There’s nothing like a Game 7. And I’m just really excited that we all get to experience that together,” ani Spoelstra.
Sina Jimmy Butler, Bam Adebayo, Victor Oladipo, Max Strus at P.J. Tucker ang muling babandera para sa Heat.
Pamumunuan naman nina Jayson Tatum, Jaylen Brown, Marcus Smart, Al Horford at Robert Williams ang Celtics.
“We’ve been a resilient group,” sabi ni Boston coach Ime Udoka.
-
5,754 karagdagang contact tracers idedeploy sa Metro Manila-DILG
Nakatakdang mag-deploy ang pamahalaan ng 5,754 na karagdagan pang contact tracers sa Metro Manila kasunod na rin ng surge ng COVID-19 cases sa rehiyon. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, lumagda na sila ng kasunduan, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Metro Manila […]
-
PAGCOR, maghahanap ng bagong “revenue source”
KUMPIYANSA ang Malakanyang na makahahanap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong “revenue source”matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “tuldukan” na ang online sabong operations sa buong bansa. Ayon sa PAGCOR, aabot sa P6 bilyong piso ang magiging “revenue loss” mula sa E-sabong ngayong taon. “Tiwala […]
-
PBBM SAYS GOV’T ‘SLOWLY CONVERTING’ DEPENDENCE ON WATER SUPPLY TO SURFACE WATER
THE GOVERNMENT has stepped up efforts to convert the country’s dependence on water supply from underground water to surface water, President Ferdinand R. Marcos Jr. said Monday. The President made the comment in an interview with former Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, stressing the need for different government agencies to make the necessary […]