• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slowly getting there na ang kanilang relasyon: LEXI, umaming gumawa ng first move para mapansin ni GIL

INAMIN ni Lexi Gonzalez na siya ang gumawa ng first move para mapansin siya ng aktor na si Gil Cuerva.

 

 

 

Nangyari raw iyon noong mag-guest siya sa show na Taste Buddies last year kunsaan host si Gil.

 

 

 

“After noong guesting ko sa ‘Taste Buddies’, inaasar-asar na nila kami no’n ng mga staff. So, minessage ko lang naman siya, nag-DM (direct message) ako sa kanya sa IG sabi ko, ‘Ingat ka pag-uwi’ gano’n.

 

 

 

“Nag-reply siya and then magka-chat kami magdamag until the next morning,” kuwento pa ni Lexi.

 

 

 

Naging bonding daw nila Lexi at Gil ay ang pagkain at pagpanood ng movies online. Kahit daw sa video chat lang ay maayos silang nakakapagkuwentuhan.

 

 

 

Noong November 2021 inamin nila Lexi at Gil na nasa dating stage sila. Ngayon ay “slowly getting there” na raw sila.

 

 

 

Dagdag pa ni Lex: “Well si Gil, he’s a really nice guy. Sobrang gentleman, parang ipa-feel talaga niya na you’re important. ‘Yung care ando’n.”

 

 

 

Magkasama rin ang dalawa sa upcoming teleserye na Love You Stranger kunsaan bida sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSALITA na ang Sparkle stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix tungkol sa pagiging extra close nila on and off-screen.

 

 

 

Naging malapit nga sa isa’t isa ang dalawa dahil sa mahabang taping nila ng Voltes V: Legacy.

 

Ayon kay Ysabel, “It’s a close working relationship. Siyempre kailangan may strong working relationship para magkaroon ng chemistry on scene. Super fun na katatrabaho si Miguel.”

 

 

 

Simple lang naman ang sagot ni Miguel tungkol sa kanila ni Ysabel, “Okay naman kami ni Ysabel ngayon. We’re doing really good.”

 

 

 

Bago ang Voltes V; Legacy, mauunang mapanood ang loveteam nila sa upcoming romantic-comedy series na What We Could Be.

 

 

 

Kuwento ni Miguel, “Pinaka-nagustuhan ko sa show na ito, my character. Feeling ko ito ‘yung pinaka-mature role na gagampanan ko and my dark past.”

 

 

 

Sey naman ni Ysabel, “Gagawa ako ng rom-com tapos with Miguel pa, so masaya. And it’s really exciting.”

 

 

 

Makakasama rin sa naturang series sina Yasser Marta at Pamela Prinster.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOTr: Paglalagay ng mga bike lanes palalawigin pa

    Inaasahang palalawigin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga bike lanes sa bansa upang mapalawak ang programa sa transportasyon.     “We have so far finished 296 kilometers of bike lanes. We hope that by the end of the year we would have completed 535 kilometers of bike lanes in Metro Manila, […]

  • Ads January 8, 2020

  • 51 Pinoy sa Gaza, humiling ng ma-repatriate dahil sa banta sa kanilang seguridad – PH envoy to Jordan

    AABOT na sa 51 Pilipino sa Gaza ang humiling para sa repatriation dahil banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.     Ayon pa sa PH envoy, tinatalakay na nila ito kasama ang iba pang mga […]