Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
INALIS ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes.
Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa physical classes ay naka-enroll sa PhilHealth o anumang insurance provider.
Ayon kay Deputy Palace spokesperson Kris Ablan, base sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon 4, ang item H ng joint memorandum circular ng CHED-DOH na nauukol sa medical insurance para sa mga estudyante ay pinawawalang-bisa.
Walang agad na makukuhang mga detalye kung bakit inirekomenda ito ng CHED noong una.
Ngunit nauna nang pinuna ng National Union of Students of the Philippines ang medical insurance requirement, at sinabing hindi lahat ng estudyante ay kayang bumili ng health insurance.
Hinimok nila ang gobyerno na pondohan ito sa halip.
-
Comelec maglulunsad ng task force vs vote buying; pa-raffle, donasyon bawal din
ILULUNSAD ng Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Kontra-Bigay upang maiwasan ang vote-buying ngayong panahon ng kampanya. Ipinahayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia kasabay ng kanyang pagbibigay babala sa lahat ng mga tumatakbong kandidato hinggil sa pagpapa-raffle ng mga ito sa kanilang mga pangangampanya lalo ngayong nagsimula na ang 45-day campaign […]
-
Pareho silang naka-relate ni Sunshine sa bagong serye: SNOOKY, inaming na-trauma nang pinilit pasuotin ng puting kamison
KAPWA naka-relate sina Snooky Serna and Sunshine Cruz sa mga bida ng bagong GMA Afternoon Prime series na ‘Underage’ dahil may eksena sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes na nakaputing kamison sila sa isang eksena. Nakaranas ng magkaibang experience sina Snooky at Sunshine noong pasuotin sila ng puting kamison sa pelikula […]
-
‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP
KINUMPIRMA ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito. Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para […]