Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo 28, 2022 kaalinsabay ng ‘Palatuntunang Pang-Alaala para sa Pambansang Araw Ng Watawat.
Pinangunahan nina Gob. Daniel R. Fernando at bagong halal na Bise Gob. Alexis C. Castro ang paggugupit ng laso para sa pagtunghay sa eksibit patungkol sa nasabing 50 ginintuang anibersaryo ng nasabing gusali na tinaguriang sentro ng kasaysayan, sining, kultura at turismo na nasa bakuran ng Kapitolyo.
Sinundan ito ng pagpapalabas ng SINEliksik Bulacan Docu Special na “Ako ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center” kung saan idinetalye dito ang kasaysayan ng nasabing establisyimento partikular na ang arkitektura at istruktura nito na itinayo sa bahagi ng 22 ektaryang lupain na tinatawag ngayon na Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound.
Ayon sa Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office (PHACTO), pinasinayaan ito noong Agosto 30, 1971 na may dalawang palapag na pinasimulan at idinisenyo ni Arkitekto Dominador Jimenez at ipinatupad ni Arkitekto Leonides Manahan.
May istilong ‘brutalist’, kabilang sa mga anyo nito ay ang 25 pahabang bintana na may nakalitaw na biga, mga adobeng materyales na nakakabit sa pader, malalaki at kakaibang uka at marami pang iba.
Bilang simbulo sa bayanihan, ipinakita sa nasabing dokyu ang iskultura ng Inang Bayan na nakatindig sa harapan ng nabanggit na gusali, nasa unang palapag nito ang main lobby, ang Exhibition Hall na hinalaw ang pangalan mula sa Pambansang Alagad ng Sining sa Iskultura na si Guillermo Tolentino, ang Hiyas ng Bulacan Museum na nagtatampok sa mayamang sining, kalinangan at kasaysayan ng Bulacan, Panlalawigang Aklatan na naglalaman ng mga bibihirang kopya ng mga reperensiya tungkol sa Filipiniana o Kasaysayan ng Pilipinas, ang PHACTO at ang Bulacan Tourism Information Center.
Matatagpuan naman sa ikalawang palapag ang auditorium na hinalaw ang pangalan mula sa isang sikat na kumpositor ng Kundiman na si Nicanor Abelardo, tubong San Miguel.
Samantala, inilunsad at ipinalabas din ang “Pasyal Kultura sa Bulacan” Web Magazine at SHINE Bulacan Web Magazine.
“Mabuhay ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center! Tunay na napakabilis ng panahon at ngayon ay ipinagdiriwang na natin ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center na naging saksi sa makulay na sining, kultura, turismo at kasaysayan ng lalawigan. Nais ko rin pong bigyang pugay ang paglulunsad ng SHINE Bulacan Project o ang Sustainable Heritage Imbibing Nationalism through Ecotourism na naging katuwang ng probinsiya sa pagpapalakas ng turismo sa pangunguna ng Commission on Higher Education o CHED sa pakikiisa ng Department of Education at Bulacan State University,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Gobyerno, naglaan nang mahigit na P2 billion para tulungan ang mga cancer patient
SINABI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na naglaan ang gobyrno ng P2 billion sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP). Binigyang diin ng Kalihim ang “prevention, treatment, at control of non-communicable diseases” gaya ng cancer bilang isa sa “key priorities” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. […]
-
Pres. Duterte ipinagdasal ang bansa sa nararanasan COVID-19 crisis
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdarasal para sa paggaling ng bansa laban sa COVID-19. Sa kaniyang mensahe sa interfaith prayer meeting na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religiuos Affairs (OPARA) at ilang religious groups nanawagan ang pangulo sa mga Filipino na magdasal para gumaling. Nanawagan ito sa […]
-
Unang producer na sumugal sa movie nila ni Gladys: JUDY ANN, labis-labis ang pasasalamat kay Mother LILY
IBINAHAGI ni Jed Madela ang mga larawan na kuha sa kanyang pagbisita kay Queen of All Media Kris Aquino, na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman. Sa post ni Jed sa kanyang IG, may caption ito ng, “Finally got to visit Ms. Kris, Kuya Josh & Bimb. So happy to see her! […]