PDu30 ,’satisfied, very happy’ sa achievements ng kanyang administrasyon- CabSec Matibag
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
“SATISFIED” at “very happy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging performance ng kanyang gobyerno sa nakalipas na anim na taon.
Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na “very delighted” si Pangulong Duterte matapos na iprisinta ng kanyang mga cabinet members ang kanilang accomplishments sa isinagawang huling “full Cabinet meeting”, Lunes ng gabi.
“I think he is satisfied, he is very happy. He personally thanked ‘yung mga Cabinet official who made a lot of sacrifices. For one, si [DSWD] Secretary Rolly Bautista very quiet but very effective. Of course si Secretary Tugade, economic team,” ayon kay Matibag.
“Lahat naman na tumulong at nagsakripisyo for him to fulfill ang promise n’ya sa ating mga taumbayan noong sya’y kumandidato noong 2016,” dagdag na pahayag ni Matibag, isa ring secretary-general ng PDP-Laban ng Duterte party.
Sinimulan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang “Duterte Legacy Summit” sa Pasay City, kung saan dumalo ang piling Cabinet officials at iprisinta ang kanilang cluster’s achievements simula 2016. Magtatapos ito sa araw ng Martes.
Araw ng Lunes, tinalakay ng mga opisyal ang fiscal position ng bansa improvement sa transport sector, COVID-19 response, at milestones sa infrastructure drive na “Build, Build, Build” ng gobyernong Duterte.
“The infrastructure program, which was hoped to spur economic growth in by providing jobs and boosting spending, has completed 15 out of 112 projects in the pipeline as of January this year,” ayon sa Senate Economic Planning Office.
“The incoming Marcos administration meanwhile will inherit at least P12 trillion in debt. The country has been borrowing heavily in the last few years due to its COVID-19 response and recovery efforts, and the infrastructure program launched prior to the pandemic,” ayon naman sa ulat.
Subalit, sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang outgoing President ay mag-iiwan ng isang “far better Philippines” kumpara sa dating administrasyon, o administrasyon na pinalitan ni Pangulong Duterte.
“Our administration, just like any, had many ups and downs. But what is certain is that [the] Duterte administration is leaving behind a far better Philippines than was what handed over to us 6 years ago,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Fernando, nanawagan sa mga Bulakenyo na magpa-COVID booster shot
LUNGSOD NG MALOLOS- Nananawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna ng karagdagan laban sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso. “Bagaman hindi pa gaanong kalala ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lalawigan kumpara sa mga karatig nating lugar, […]
-
Sea travel sa Northern Luzon suspendido dahil sa bagyong Julian
SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sea travel nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30 sa northern Quezon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Julian. Inanunsyo ng PCG station sa bayan ng Real ang suspensyon ng biyahe sa lahat ng sasakyang dagat na maglalayag sa nasabing ruta sa kani-kanilang lugar dahil na […]
-
Na-inspire sa KPop, super-react ang mga bashers: SHARON, may official light stick na para sa kanyang Sharonians
SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip na niya ang short video ng official light stick para sa mga minamahal niyang Sharonians at sa new gen fans na Sharmy. Caption niya, “Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert! (I know medyo tagal pa, […]