• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Facebook, lumalabas bilang ‘accessory to a crime’ dahil sa hindi pagba-block sa e-sabong — DILG

LUMALABAS na “accessory to a crime” ang social media giant Facebook dahil hindi nito binlock ang e-sabong o online cockfighting sa platform nito.

 

 

Nagpahayag ng pagkadismaya si Interior Undersecretary Jonathan Malaya dahil hindi man lamang nakakuha ng kahit na anumang tugon ang DILG sa kanilang request na i- block ang Facebook pages na nago-operate ng e-sabong.

 

 

“Kami po ay nadidismaya. We are disappointed dahil kung sila ay mag-shut down ng ibang pages mabilis but in this case, it’s as if they’re tolerating illegal activity in the Philippines,” ayon kay Malaya sa Laging Handa public briefing.

 

 

“Para po silang lumalabas ay accessory to one illegal activity because Facebook is a venue for illegal activity, ito nga pong illegal e-sabong,” ayon kay Malaya.

 

 

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala si Malaya lalo pa’t ang Facebook “is a business entity operating in the Philippines and they are bound by the laws of the Philippines.”

 

 

Matatandaang, nagdesisyon na si Pangulong Duterte na ipatigil na ang operasyon ng E-Sabong matapos pagbasehan ang ginawang survey at validation ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan napatunayan na ang E-Sabong ay labag sa moralidad ng sambayanang pilipino.

 

 

Ayon sa Pangulo, maraming nalululong sa sugal na E-Sabong na nakakaapekto na sa buhay at kabuhayan ng bawat pamilya.

 

 

Inihayag ng Pangulo na kaya niya pinahintulutan noon ang operasyon ng E-Sabong ay dahil sa kita at pakinabang ng gobyerno sa ibinabayad na buwis dahil kailangan ng pamahalaan ang dagdag na pondo. (Daris Jose)

Other News
  • Sen. Imee, nagduda kung tatanggapin ang role: ISKO, inaming malaking karangalan na gumanap bilang ‘Ninoy Aquino’

    BAGO pala nag-casting si Direk Darryl Yap ng “Maryr or Murderer,” ang sequel ng biggest blockbuster movie ng Viva Films in 2022, ang “Maid in Malacanang,” ipinaalam muna niya kay Senator Imee Marcos na gusto niyang i-cast si former Manila Mayor Isko Moreno bilang si Senator Beningo Aquino.  Nagdalawang-isip daw si Sen. Imee, dahil duda […]

  • First time makatrabaho si Diego na gaganap ding anak niya: CESAR, na-challenge kung paano ipu-portray ang role bilang Pres. FERDINAND MARCOS

    SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila.     Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang […]

  • Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na  nagtapos na ang emergency phase ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso […]