‘Old-style Ginebra’ armas ni Cone sa semis vs Bolts
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Sa kanilang pagpasok sa semifinal round ay inasahang muling maglalaro ang Barangay Ginebra sa tinatawag ni head coach Tim Cone na ‘old-style Ginebra basketball’.
Ito ang ginamit ni Cone sa 81-73 pagsibak ng No. 1 Gin Kings sa No. 8 Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang quarterfinals match sa 2020 PBA Philippine Cup.
“We got to go play some old-style Ginebra basketball,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion mentor. “We went back to the 90s, played that kind of style of basketball.”
Haharapin ng Ginebra sa best-of-five semifinals series ang Meralco na kanilang winalis sa tatlong beses na bakbakan nila sa Finals ng PBA Governor’s Cup.
“They have a very, very good team, a lot of quality players on their team, but we’ll be out there fighting,” sabi naman ni one-time PBA Grand Slam mentor Norman Black.
Sinibak ng No. 5 Bolts ang No. 4 at five-time champions na San Miguel Beermen, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, matapos kunin ang 78-71 panalo noong Biyernes at ang 90-68 tagumpay noong Linggo sa kanilang ‘do-or-die’ game.
Ito ang unang semifinals stint ng Meralco sa isang All-Filipino Conference matapos bumalik sa PBA noong 2010.
Samantala, itinuring ni Phoenix coach Topex Robinson na ‘magical’ ang kanilang pagpasok sa semis matapos ang 89-88 paglusot sa No. 7 Magnolia sa quarterfinals.
“It’s just so magical for us,” ani Robinson. “We’re just so blessed to be here, to grind it out with one of the best teams, a well-coached team.”
Lalabanan ng Fuel Masters ang No. 3 TNT Tropang Giga, pinatalsik ang No. 6 Alaska, 104-83, sa quarterfinals, para sa best-of-five semifinals wars na magsisimula bukas.
-
40 sasakyang pang-dagat, dineploy
MAY kabuuang 40 na sasakyang-dagat ng China kabilang ang tatlong warships ang idineploy noong Lunes sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea upang harangin ang humanitarian mission doon ng Philippine Coast Guard (PCG). Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, anim na barko ng […]
-
RIDING-IN-TANDEM KALABOSO SA SHABU
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina John Lester Lato, 19 at Vince […]
-
Injuries ng mga players isinisi sa ‘brutal’ na games scheduling ng NBA
Isinisi ngayon ng mismong ilang mga NBA managers ang mahigpit na scheduling na siyang dahilan umano ng maraming injuries ng marami nilang mga players. Ayon sa ilang general managers na tumangging isapubliko ang mga pangalan, mas matindi pa ngayon ang torneyo kumpara sa ginanap na NBA bubble noong nakaraang taon sa Florida. […]