• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka, hiling ng LTO sa susunod na administrasyon

HUMILING ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka.

 

 

Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo.

 

 

Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na sa ngayon ay nasa pitong milyong plaka na ang kanilang natapos at umaasa pa aniya sila na maglalaan pa ng dagdag na pondo ang Marcos administration para rito.

 

 

Patuloy kasi aniyang nadadagdagan at dumadami ang mga indibidwal na bumibili ng motor kada taon na may average increase na P1.2 milyon hanggang P1.3 milyon dahilan kung bakit kinakailangan din nilang magtrabaho ng overtime upang mahabol ito.

 

 

Matatandaan na una nang humingi si Galvante ng P2.6 bilyon para tugunan ang backlog ng kagawaran dahil sa naging problema nito kabilang na ang outsourcing ng produksyon ng mga plaka dahil hindi sa kawalan ng kakayahan ng mga planta sa bansa na tugunan ang paggawa ng plaka. (Daris Jose)

Other News
  • Very happy sa nalalapit na kasal nila ni Arjo: ALDEN, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala ni MAINE

    NGAYONG July 28 na ang naglalabasang balita ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.     At hindi naman maikakaila at maitatanggi na si Maine at Alden Richards ay naging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa.     Nang makausap nga namin si Alden sa naging mediacon ng “Battle of the Judges,” ang bagong […]

  • MAYOR TIANGCO, PINAYUHAN ANG GOV’T INTERNS

    PINAYUHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na magsimula nang malakas at magtrabaho nang mahusay mula sa kanilang unang araw.     Sa kanyang mensahe sa GIP orientation, malugod na tinanggap ni Tiangco ang 20 benepisyaryo at pinaalalahanan sila na bumuo ng magandang ugali.     […]

  • Japan nagpautang muli ng P6.9B para sa MRT3 rehab

    LUMAGDA sa isang kasunduan ang Japan at Pilipinas para sa isang loan na nagkakahalaga ng 17.4 billion yen o P6.9 billion na gagamitin sa ikalawang bahagi ng rehabilitation ng Metro Rail Transit 3 (MRT3).       Ang lumagda para sa Tokyo ay si charge d’affaires Kenichi Matsuda habang si Foreign Affairs secretary Enrique Manalo […]