• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC

TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong Hunyo 02, 2022

 

 

Bandang alas-5:45 ng hapon, Naarestado ang consignee, isang residente ng Cainta, Rizal, at ang kanyang kasamahan na residente ng lungsod ng San Juan  alas 5:45 hapon ng Huwebes  matapos tangkaing kunin ang package sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

 

 

Ang kargamento ay idineklara bilang “Bateria, Musical, Dulces” o Set of Toy Drums na ipinadala mula sa Mexico, na dumating noong Mayo 30, 2022.

 

 

Unang nadiskubre ng BOC nang dumaan sa X-ray scanning at sumailalim din sa 100% physical examination.

 

 

Nadiskubre ng customs examiner ang 750 gramo ng shabu na nakasilid sa toy drum set.

 

 

Ang mga claimant ay kasalukuyang sumasailalim sa custodial investigation para sa tuluyang inquest prosecution para sa paglabag sa R.A. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa Seksyon 119 at 14. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Paghihigpit sa protocol ‘di na kailangan – health expert

    HINDI na kailangang higpitan ang pagpapairal ng protocol laban sa COVID-19 kahit na may paglitaw ng bagong Omicron subvariant sa Pilipinas.     Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, wala namang indikasyon sa ngayon na tataas ang kaso ng COVID na maaaring maging banta sa kalusugan ng maraming mamamayan.     “Sa ngayon, ang nakikita naman […]

  • Nanghihinayang nang ‘di nasamahan… ANDREW, apektado sa pagpanaw ni RONALDO na tinuring na ring lolo

    MARAMI ngang nagulat sa biglaang pagpanaw ng beterano at premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, kaya nagluluksa na naman ang entertainment industry.     Marami ring kapwa-artista ang may kanya-kanyang post na karamihan ay naging close at na-touch sa kabaitan ng aktor at isa si Andre Gan Calupitan na nakasama niya sa ‘2 Good 2 […]

  • SIM Registration Bill, Barangay/SK polls sa Oktubre 2023 niratipikahan ng Kongreso

    NIRATIPIKAHAN  na ng dalawang kapulungan ng kongreso nitong Miyerkules ng gabi ang panukalang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at idaos sa October 2023.     Maging ang panukalang  mandatory SIM card registration ay naihabol din bago ang kanilang adjournment.     Sinasabing nagkasundo ang House panel at counterpart sa Senate upang […]