• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr. , ipagpapatuloy ang vlogging kahit pa Pangulo na ng bansa

SINABI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit pa magsimula na ang kanyang trabaho at tungkulin bilang bagong Pangulo ng bansa sa Hunyo 30.

 

 

Sa kanyang pinakabagong YouTube video, araw ng Sabado, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang paggamit sa nasabing platform upang manatiling updated ang publiko sa kanyang mga pinakabagong aktibidad diretso “from the horse’s mouth.”

 

 

Idinagdag pa niya na ipagpapatuloy niya ang vlogging upang sa gayon ay makakuha ang publiko ng alternatibong “source of information” sa kanyang incoming presidency maliban sa mainstream media.

 

 

“Ipagpapatuloy talaga namin ‘yang vlog na ito. Every so often, mayroon tayong paliwanag doon sa ating ginagawa para hindi lamang sa pahayagan ang inyong nagiging balita, kung hindi pati na from the horse’s mouth, ‘ika nga,” ayon kay Marcos.

 

 

“Kailangan ko talagang ipaliwanag kung ano ang aming mga ginagawa… ipaalam sa inyo kung ano ba sa inyong palagay ang tama na dapat gawin at kung ano pa… at marinig ang inyong comment kung ano pa ang mga kakulangan na dapat tugunan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang pahayag na ito ni Marcos ay tugon sa naging tanong sa kanya kung ipagpapatuloy pa niya ang pagba-vlog gayong magiging abala na siya bilang bagong Pangulo ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni President-elect Marcos ang kanyang mga tagasuporta na patuloy na pagbibigay reaksyon at pagbabahagi ng kanyang content sa kanyang social media platforms.

 

 

“Iyong pag-share ninyo, pag-like, at iyong iba ine-edit pa sa TikTok, lahat po iyan ay malaking tulong,”ayon kay Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, nauna namang sinabi ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ngayon ang pag-accredit sa mga vloggers para mag-cover sa Malakanyang sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 

 

“We are pushing for the accreditation of bloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President,” ayon kay Angeles, isang pro-administration vlogger. (Daris Jose)

Other News
  • Malawakang job fair, isasagawa ng DOLE sa araw ng kalayaan

    INILABAS na ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng mga lugar kung saan gaganapin ang job fair kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 araw ng kalayaan sa Hunyo 12, 2023.     Ayon sa DOLE na kabilang sa job fair dito sa Metro Manila ay sa Rizal gymnasium sa lungsod ng Pasig, Paranaque […]

  • Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan

    Sa layuning mas mapa-bilis pa ang pagbabakuna sa gitna ng pinangangamba-hang pagkalat ng Delta va-riant binuksan na ang drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, sa tabi  ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Maynila, Sabado ng umaga.     Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination […]

  • DepEd, nakahanap ng solusyon sa SHS grad employability sa pamamagitan ng MATATAG agenda

    SINABI ng Department of Education (DepEd)  na layon nito na tugunan ang isyu ukol sa  employability o kakayahang magtrabaho ng  K-12 graduates sa pamamagitan ng  MATATAG education agenda nito.     Ang pahayag na ito ni DepEd spokesperson Michael Poa ay tugon sa kamakailan lamang na ipinalabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR)  […]