ILANG MGA INFORMAL SETTLER SA BINONDO, SINIMULAN NANG MAGKUSANG-LOOB NA GIBAIN ANG KANILANG BAHAY
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
SINIMULAN nang gibain ng mga pamilyang iskwater ang kanilang tinutuluyang bahay na kanilang itinirik sa kahabaan ng Delpan street sa Binondo partikular na ang mga nasa center island nito ngayong araw.
Ayon kay Manila City Engineering Office head Engr. Armand Andres, ang mga pamilyang nagkusang-loob na gibain ang kanilang tinutuluyang bahay sa nasabing lugar ay ang mga pamilyang binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan sa Binondominium I na isa sa mga housing project ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Nabatid na sila na mismo ang naggiba sa kanilang mga bahay upang mapakinabangan nila ang mga kahoy, yero at iba pang materyales na maaari din nilang maibenta o ikalakal.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Abril 17, 2022 ay pinangunahan nina Yorme Isko at Vice Mayor at ngayo’y Mayor-elect Dra. Maria Sheilah “honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa 15-palapag na Binondominium I na may mahigit 120 units at may lawak na 40 sq/mtr ang bawat unit na may dalawang kwarto, kusina, sala, at banyo.
Ang mga benepisyaryo ng Binondominium I vertical housing project ay ang mga residenteng nakatira sa center island ng Delpan na sakop ng Barangay 272 at 283 habang ang mga informal settlers sa Barangay 284 at 286 sa tabi ng center island ay ililipat sa Binondominium II na nakatakdang itayo sa Delpan Complex.
Ayon naman kay Department of Public Services (DPS) chief Kenneth Amurao, hindi muna aniya nila hahakutin ang mga debris na nasabing lugar dahil baka sakali umanong may mga mapapakinabangang yero o anumang maibebentang kalakal ang mga ito, ngunit tiniyak naman ng opisyal na lilinisin nila ang lugar sa oras na makumpleto na ang ginagawa nilang paggiba sa kanilang tirahan.
Tiniyak naman ni Amurao na ang DPS, kasama ang City Engineering Office at ang Manila Traffic and Parking Bureau na pinamumunuan ni Dir. Dennis Viaje ay patuloy na magsasagawa ng clearing operations sa lahat ng mga pangunahing lansangan at sekondaryang kalsada sa Maynila matapos nilang mapansin sa kanilang mga inspeksyon na ilang mga kalsada ang muling nakaharang sa mga nakaparadang sasakyan at iba pang uri ng mga obstructions. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
PBBM pinatitiyak mga isolated areas ang prayoridad na mabigyan ng tulong dahil sa kalamidad
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga concerned agencies na prayoridad na mabigyan ng tulong ang mga isolated areas dahil sa kalamidad. Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, iginiit ni PBBM na mahalaga ang papel at patuloy na suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]
-
Partnerships, mahalaga sa regional disaster risk reduction-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalaga ang ‘partnerships’ sa mga bansa sa Asia Pacific region para makapagtatag ng ‘adaptive, inclusive, resilient, at sustainable region’ sa disaster risk reduction. Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang ‘courtesy and ministerial dinner for the delegates of the 2024 Asia-Pacific Ministerial […]
-
Proud na proud na pinost ang video ng 3D ultrasound: LUIS, nagpasalamat na kamukha ni JESSY at ikatutuwa ni VILMA kung baby girl
PROUD na proud ang soon-to-be daddy na si Luis Manzano na pinost sa kanyang IG account ang video ng 3D ultrasound ng first baby nila ni Jessy Mendiola. Caption nga ng tv host, “Hi Baby Peanut! @senorita_jessy and i love you
thank you Lord kamukha ng Mommy!” Agad namang nag-comment ang kanyang […]