Malakanyang, umapela sa mga jeepney drivers, operators na huwag suspendihin ang operations ngayong linggo
- Published on June 8, 2022
- by @peoplesbalita
SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o isuspinde ang nationwide jeepney operations ngayong linggo.
“Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo,” ayon kay Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang kalatas.
Tiniyak nito na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang pagaanin ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa sanhi ng ‘tight supply’ sa global oil market.
Binanggit nito ang patuloy an pagsisikap ng pamahalaan na i-roll out ang fuel subsidy ng Department of Transportation para sa mga beneficiaries.
“Nasa mahigit 180,000 public utility vehicle operators ang nabigyan na ng fuel subsidy, as of June 1, 2022, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, matagal nang nagrereklamo ang mga jeepney drivers at operators ukol sa patuloy na pagtatas sa presyo ng langis lalo pa’t nakasandal lamang ito sa kanilang pang-araw- araw na trabaho.
Ayon sa transport group Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide, karamihan sa mga PUJ drivers ay kumikita lamang ng P300 kada araw o sapat na kita para ipakain sa kanyang pamilya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Garcia tutumba kay Pacquiao!
Hindi tatagal si dating world champion Mikey Garcia sa ibabaw ng ring sa oras na makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao. Ito ang pananaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung matutuloy ang planong pagtutuos nina Pacquiao at Garcia sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates. […]
-
Jesus; Mark 4:39
Peace, be still.
-
Dating UFC champion Conor McGregor at Logan Paul, maghaharap sa Exhibition match sa 2025
MAGHAHARAP sa isang exhibition match sina dating two-division UFC champion Conor McGregor at World Wrestling Entertainment (WWE) star Logan Paul sa 2025. Nagkasundo ang kampo ng dalawa na ganapin ang naturang match sa bansang India at maglalaban sa ilalim ng boxing rules. Mismong si McGregor ang nag-anunsyo sa naturang laban ngunit […]