• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P20.28-M na pinsala sa agri sector dulot ng pagputok ng bulkang Bulusan

PUMALO na sa kabuuang P20.28 million ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura na naidulot ng pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo lamang.

 

 

 

Ang naturang tala ay mula sa tatlong bayan na apektado ng pagbagsak ng abo, partikular na ang Casiguran, Juban at Irosin.

 

 

 

Pinakamalaking bahagdan ng pinsala ay sa mga tanim na palay.

 

 

 

Sa kabilang dako, ilang mga residente ang nanindigang mananatili lamang sa kanilang tahanan dahil ligtas pa naman sa banta ng Bulusan volcano.

 

 

 

Karaniwang dahilan ng mga ito, walang mapag-iiwanan ng mga alagang hayop.

 

 

 

Ayaw naman dalhin sa Sorsogon Dairy Farm na pansamantala sanang inalok na kanlungan ng mga ito dahil mas lalong magiging pahirapan ang pagpunta sa mga alaga.

 

 

 

Sa ngayon, umakyat na rin sa 2,784 na pamilya o 13,920 individuals ang apektado ng abo mula sa Mt. Bulusan. (Daris Jose)

Other News
  • 38K doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX, dumating na sa Pilipinas

    Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.     Alas-6:44 nitong gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na may dala sa ikalawang batch ng bakuna mula inisyatibo ng World Health Organization (WHO).     […]

  • PBA balik-aksiyon na sa Araneta

    Mga laro : (Araneta Coliseum) 3:00 pm – Meralco vs NLEX 6:00 pm – Magnolia vs TNT     ABALA ang TNT sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors Cup elimination round restart bago tulungan ang Gilas Pilipinas sa first window ng 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa buwang ito […]

  • P335 million ang nawawala sa gov’t dahil sa ‘duplicates’ at ‘inconsistencies’ sa database ng 4Ps

    IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) na nasa P335 million ang halaga ng nawawala sa gobyerno dahil sa duplicates at inconsistencies sa database ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa Performance Audit Report ng COA sa 4Ps program, inirekomenda nitong muli ang pagsasagawa ng cleansing […]