• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela

SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa ng I. Marcelo St. Brgy. Malanday.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation (Oplan Galugad) ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni PLt. Delima dakong alas-11 ng gabi nang maaktuhan ni PSMS Roberto Santillan si Timosan na may iniabot kay Tesorero na isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Alley corner I. Marcelo St., Brgy. Malanday.

 

 

Nilapitan ni PSMS Santillan at Pat. Ronnie Sandoval ang mga suspek saka inaresto kung saan narekober sa kanila ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P2, 040 ang halaga, isang folded aluminum foil na naglalaman ng hinihinalang shabu, P200 cash, coin purse at ID.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 5.7-B bakuna naka-pre order na sa buong mundo

    Pumalo na sa 5.7 billion doses ng coronavirus vaccines ang na-pre-order sa buong mundo kahit hindi pa natatapos ang clinical trials nito.   Ang unang shipment ng COVID-19 vaccine ay gawa ng Western laboratories mula sa US.   Habang mayroong limang bakuna na tatlo sa Western at dalawa sa China ang nasa phase 3.   […]

  • Patuloy na lalaban kahit mas lumala pa ang sakit: KRIS, gusto pang mabuhay para kina BIMBY at JOSH

    KATULAD ng ipinangako ni Boy Abunda noong February 13, for the first time, magla-live si Queen of All Media Kris Aquino mula sa Amerika, sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, sa mismong araw ng kanyang birthday, February 14.   Ini-reveal nga ni Kris ang makadurog-pusong detalye tungkol sa kanyang medical conditions na gusto niyang ipaalam […]

  • Dahil may umiiral na non-disclosure agreement: Sen. ROBIN, pasok sa ‘Maid in Malacanang’ pero palaisipan pa ang role

    MAY umiiral palang NDA (non-disclosure agreement) sa pagitan ng Viva Films at sa bumubuo ng production ng “Maid in Malacanang” na dinidirek ni Darryl Yap.       Ang ibig sabihin nito, walang pwedeng lumabas na balita tungkol sa movie at sa shooting, kung walang pahintulot ni Boss Vic del Rosario at ng Viva Films.  Kaya […]