• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-challenge sa kakaibang karakter sa miniseries: ANDREA, tuwang-tuwa sa magagandang reviews ng netizens

NA-CHALLENGE si Andrea Del Rosario sa kakaibang karakter na kanyang ginagampanan sa mystery-romance miniseries ng GMA Public Affairs na Love You Stranger.

 

Ginagampanan ni Andrea ang role na Lorraine, ang ina ni LJ (Gabbi Garcia) na kinakatakutan ang isang misteryosong anino na kung tawagin ay Lilom.

 

“Mayroon siyang unexplained fear of the dark. ‘Yung struggle niya between the normalcy and also living with this condition is challenging. They have to watch this series para malaman nila kung ano ba iyon at bakit gano’n na lang ang takot ni Lorraine,” sey ni Andrea.

 

Natuwa naman daw ang aktres sa magagandang reviews mula sa netizens sa pagganap niya sa Love You Stranger.

 

“Nakakataba ng puso ang mga nababasa kong reviews. Bihira kasi akong tumanggap ng ganitong mga roles kasi gusto ko mga light lang. Ito yung pinakamabigat na role na ginawa ko in a long time.

 

“Worth it ‘yung lahat ng naging sakripisyo namin noong mag-lock-in taping kami. Ang galing ng buong team. So proud to be part of this project,” pahayag pa ni Andrea.

 

***

 

HABANG wala pang bagong teleserye sa GMA, naging abala ang Kapuso hunk na si David Licauco sa pagtayo ng bagong business nito.

 

On Instagram, pinost ni David na magbubukas siya ng physical restaurant para sa online food business niya na Kuya Korea. Naging patok online ang Kuya Korea dahil sa binebenta nilang contemporary Korean food.

 

Magbubukas ito sa UP Town Center in Quezon City at excited na ang aktor na inamin noon na mahilig siyang mag-isip ng mga negosyong bubuksan.

 

“After months of R&D, we are excited to open our doors and have everyone try @kuyakorea. Opening soon at @iloveuptowncenter,” caption pa niya sa IG post.

 

Ito ang second restaurant na bubuksan ni David. Early this year ay nag-open ang physical resto ng isa pang online food business niya na Sobra sa Molito Lifestyle Center in Alabang.

 

Nasimulan ng chinito hunk ang mga online food business niya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020. Dahil nauso ang food delivery that time gawa ng lockdown, nakaisip si David na magkaroon ng online food business para may iba siyang pinagkakakitaan bukod sa pagiging artista at nakapagbigay pa siya ng trabaho sa iba.

 

***

 

NAGSALITA na ang Family Feud at Miss Universe host na si Steve Harvey tungkol sa pakikipaghiwalay ng kanyang anak na si Lori Harvey sa actor-boyfriend nitong si Michael B. Jordan.

 

Naapektuhan din daw siya sa nangyari sa kanyang anak, pero nagiging matapang siya para rito.

 

“I feel fine. Ain’t change my life none. I still gotta go to work. I still gotta turn these corners, I still gotta take care of my family. I still gotta put money aside for these grandkids. I heard about it. You know, wish him well.

 

“I’m Team Lori, 1000 percent. She’s my daughter. I love her. I support her. Like I tell everybody, things happen. It’s hard to be young and in the limelight and have a successful relationship.

 

“Look, as long as everybody can walk away in peace…be friends. I guess, I ain’t heard nobody say they busted no windows or nothing.

 

“Long as you don’t put your hands on my daughter, I don’t give a damn what you do. Michael is still a cool guy. From what I know, it’s a breakup. I’m pretty sure they’ll be fine.”

 

Naghiwalay sina Michael at Lori pagkatapos ng isang taong magkarelasyon. Nag-celebrate pa naman sila ng kanilang 1st anniversary last November 2021.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PDu30 ,’satisfied, very happy’ sa achievements ng kanyang administrasyon- CabSec Matibag

    “SATISFIED” at “very happy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging performance ng kanyang gobyerno sa nakalipas na anim na taon.     Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na “very delighted” si Pangulong Duterte matapos na iprisinta ng kanyang mga cabinet members ang kanilang accomplishments sa isinagawang huling “full Cabinet meeting”, Lunes ng gabi. […]

  • BI NAGSAGAWA NG SORPRESANG PAGSALAKAY SA LOOB NG BI FACILITY

    NAGSAGAWA ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa mga nakakulong sa kanilang warden facility (BIWF) sa Taguig City.     Kabilang sa mga nagsagawa ng sorpresang pagsalakay na tinawag na “Greyhound Operation”  ay ang  BIWF management, mga opsiyal mila sa BI Intelligence Division gayundin ang BI Anti-Terrorist Group sa koordinasyon […]

  • Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96

    BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman.       Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August.     Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner […]