P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
IPAMAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.
Nasa 12.4 milyong pamilya ang makatatanggap ng tulong.
Noon pang buwan ng Marso iniutos ni Pangulong Duterte na bigyang ayuda ang mga mahihirap na pamilya para makaagapay sa pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Sinabi pa ni Dumlao na ina-account na lamang ang mga mahihirap na pamilya na mayroon nang mga existing na cash cards para agad na mahatiran ng first tranche ng subsidy.
Una nang sinabi ng Department of Budget and Management na matatanggap ang P500 ayuda sa loob ng tatlong buwan lamang. (Daris Jose)
-
Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF
SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3. Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa. Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa […]
-
DSWD, planong parusahan ang nagpapautang na tumatanggap ng 4Ps ATM card bilang kolateral
PLANONG Department of Social Welfare and Development (DSWD) na parusahan ang mga nagpapautang para mapigilan ang mga ito na tanggapin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) cash cards bilang kolateral o pang-garantiya mula sa mga mangungutang. Ipinanukala ng 4Ps National Program Management Office (NPMO) ng DSWD na amiyendahan ang Republic Act No. 11310, […]
-
Paglilinaw sa mga bahagi ng implementasyon ng SAP
Upang masiguro na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng pandaigdigang krisis dulot ng pandemya, ang pambansang pamahalaan ay nagpatupad ng Social Amelioration Program (SAP). Ito ay nahahati sa dalawang bahagi- ang Relief at and Recovery. Bawat ahensya ng pamahalaan ay inatasan na tukuyin at ipatupad ang kanilang mga programa at serbisyo […]