Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod.
Sa ulat, nakatanggap ang CIDG RGU NCR ng impormasyon na nagpapanggap ang suspek na aktibong tauhan ng AFP at nagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila na naging dahilan upang isailalim siya sa validation.
Dito, nalaman ng pulisya na hindi aktibong tauhan ng AFP ang suspek at positibo rin umano sa pagbebenta ng baril na naging dahilan upang isagawa ng mga operatiba ng CIDG SMMDFU at Army Intelligence Regiment ang buy bust operation sa kanyang bahay dakong alas-6 ng gabi.
Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng baril ang isang pulis umakto bilang poseur-buyer kung saan habang nagaganap umano ang transaksyon ay inalok din ni Lemana ang poseur-buyer ng isang granada.
Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 45 pistol na may limang bala, isang hand grenade, 2 pirasong IDs (AFP ID and membership ID), isang set ng AFP iniform at P1,000 bill dusted money at boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 in relation to Election Gun Ban, Article 177 (Usurpation of Official functions), Article 179 (Illegal Use Of Uniforms Or Insignia) at RA 9516 (Illegal Possesion of Explosives). (Richard Mesa)
-
5 kulong sa higit P138K shabu sa Valenzuela, Malabon
LIMANG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang lolo ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela at Malabon Cities. Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong ala-una ng madaling araw […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, itinaas ang kamalayan ng publiko ukol sa disaster resilience
LUNGSOD NG MALOLOS – Maliban sa pagiging handa, ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kampanya sa disaster resilience upang maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng maagap na pagtugon sa mga sakuna. Bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month 2022 […]
-
Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA
SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila. “Sobra na po ang volume […]