• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P750 national minimum wage, iginiit

KASUNOD na rin ng 5.4% inflation rate at pagtaas sa presyo ng  pangunahing bilihin, nanawagan ang Anakpawis Partylist sa kongreso na ipasa ang P750 National Minimum Wage bill na inihain ng Koalisyong Makabayan.

 

 

Una ng tinuligsa ng grupo ang pinakahuling P33 wage increase na anila ay hindi sapat para punan ang P51 lost value dahil sa inflation mula pa taong 2018, ang P537 dating minimum wage para sa National Capital Region.

 

 

Ang tinatayang real value ng pinakahuling minimum wage para sa NCR na P570 ay nasa P516, base sa 2018 prices.  Malala pa umano ay baka maibaba pa ang tunay na halaga nito dala na rin sa pinakahuling inflation rate.

 

 

“Kung ibabatay sa May 2021 prices, ang mabibili ng P570 ay P539 lang. Kaya, halos walang epekto ang pinakahuling wage increase.  Dapat habulin ng minimum wage ay ang Family Living Wage, na nasa P1,072 kada araw noong Marso.  Kaya, makatarungan at kagyat lang na isabatas ang P750 National Minimum Wage,” ayon kay Ariel Casilao, Anakpawis Party-list National President sa isang press statement.

 

 

Iginiit pa nito na ang sitwasyon sa mga lugar na nasa labas ng National Capital Region ay mas malala para sa mga minimum wage workers.  Mas mataas ang inflation rate dito na nasa 5.5% o mahigit pa.

 

 

Sinabi ni Casilao na ang dapat gamitin na basehan para sa minimum wage system ay social justice, at “right of all the people to human dignity, reduce social, economic, and political inequalities,” na pawang nakasaad sa konstitusyon.

 

 

“Hindi dapat natin tinatanggap na nagpapakahirap ang mga manggagawa, at sa katapusan ng araw ay hindi makabubuhay ng pamilya ang kanyang kinitang sahod. Habang ang mayayayamang kapitalistang oligarkiya at dayuhang monopolyo ay lumalangoy sa mga gahiganteng tubo.  Dapat nang itulak ang kongreso para baguhin ang modernong sistemang ito ng pang-aalipin, at itaguyod ang makatao at nakabubuhay na antas ng sahod ng mga manggagawa,” pagtatapos ni Casilao. (ARA ROMERO)

Other News
  • Kim, kasama sa celebrity friends na bumati: MAJA, engage na rin sa longtime boyfriend na si RAMBO

    SA mismong Pasko ng Pagkabuhay, sinabay na in-announce nina Maja Salvador at longtime boyfriend na si Rambo Nuñez ang kanilang engagement.     Naganap ito sa El Nido, Palawan na kung saan doon sila nagbakasyon at kasama kani-kanilang mga pamilya.     Sa post sa Instagram ni Maja, “My new beginning @rambonunez,” kasama ang ring, at heart […]

  • Malakanyang, umaasa na aalis na rin ang mga natitirang Chinese vessels

    UMAASA ang Malakanyang na aalis na rin ang natitirang Chinese vessels na nakadaong sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).   “We are still hoping that they will leave the area. Kaya hindi po totoo na hindi pinansin ng China ang Presidente (Rodrigo Roa Duterte),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Binanggit […]

  • Ads November 8, 2023