• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLOMITE BEACH, MULING MAGBUBUKAS

INAASAHAN ang muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach sa mismong Araw ng Kalayaan sa  June 12,2022.

 

Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda  para sa muling pagbubukas kung saan tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa Dolomite beach.

 

 

Mapapansin din ang ilang mga tumpok ng white sand na inaasahang ilalatag dito

 

 

At bukod sa kontrobersyal na Dolomite Beach, may bagong atraksyon dito sa Roxas Boulevard.

 

 

Ito ay ang World War II Heritage Cannon sa bahagi ng Remedios Street, o tapat ng Rajah Sulayman Park. (Galing sa Fort Drum Island ang kanyon).

 

 

Pormal namang inilunsad ang kanyon sa  Independence Day.

 

 

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, sa pagbubukas muli ng Dolomite Beach ay mahigpit pa ring paiiralin ng health protocols kontra COVID-19.

 

 

Paalala sa publiko na magsuot pa rin ng face mask, at hangga’t maaari ay fully vaccinated na.

 

 

Aabot lamang sa 1,500 hanggang 3,500 na katao ang maaaring makapasok sa Dolomite beach sa tukoy na mga oras. (GENE ADSUARA)

Other News
  • BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase

    INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito.     Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, […]

  • Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame

    Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony.     Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma […]

  • Tuloy na tuloy at wala nang urungan: Cong. ARJO, inaming within this year na ang kasal nila ni MAINE

    KAKAIBA talaga ang ‘Korina Interviews’ ni Korina Sanchez-Roxas na umeere tuwing Linggo ng hapon sa NET 25 dahil cool na cool at masarap panoorin.     At sa latest episode na pinalabas last April 30, ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde naman ang in-interview ni Ate Koring, na kung saan kitang-kita ang closeness ng […]