Verifie In-announce sa pamamagitan ng Instagram account nila: JK at MAUREEN, maayos na tinapos ang higit dalawang taong relasyon
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTAPOS na ang more than two years na relasyon ng celebrity couple na sina Juan Karlos Labajo at Maureen Wroblewitz base sa ipinost nila last Friday, June 10, 2022 sa kanilang Instagram account na sila’y naghiwalay na.
Pinost ni JK ang photo nila ni Maureen na may caption na, “Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. ❤️”
Sa IG post naman ni beauty queen na mababasa ang ‘life is not happening to you, life is happening for you’ kasama ng tatlong butterflies, at may caption na, “some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own.”
May sinulat din na madamdaming message si JK para sa model-beauty queen at bahagi nito, “I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with.
“You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will.”
“Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love.”
Sagot naman ni Maureen, “thank you for everything!!!”
Komento naman ng netizens:
“May sumpa ata ang Miss Universe.”
“Di ba pwedeng magself love while in a relationship?”
“Sabihin nyo nalang may 3rd party, ang soshowbiz nyo..magbibreak para maggrow kuno, di pede maggrow together?”
“Sana all ganyan magbreak, at peace.”
“At least walang bitterness, a great example how to end a relationship.”
“Feeling ko si Mau nakipagbreak para sa personal growth niya, walang magawa si JK kaya umokay nalang din kaya ganyan ka peaceful yung hiwalayan nila.”
“Di ako magugulat kung may iba na si girl in coming days.”
“To grow on our own is a lame excuse. Ibig sabihin lang either you don’t support each other or just using it as ticket out.”
(ROHN ROMULO)
-
SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, TULOY-TULOY SA KABILA NG IPATUTUPAD NA ECQ
TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa kabila ng ipatutupad na dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) simula sa Biyernes ay tuloy pa din ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga Manilenyo. Batay sa inilabas na memorandum ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu sa lahat ng […]
-
Philhealth at gobyerno, nangakong tatalima sa TRO ng SC sa paglilipat ng P29.90B sobrang pondo sa national treasury
NANGAKO ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tatalima ito sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa paglilipat ng P29.90 billion na natitirang labis na pondo sa national treasury. Sa parte naman ni Solicitor General Menardo Guevarra, nirerespeto umano niya ang kautusan ng SC. Ang opisina nga ng SG ang humiling […]
-
Ads August 12, 2022