• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.

 

 

Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.

 

 

Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto sa kanyang mga teammates.

 

 

Sa kabila nito, nagbigay pugay pa rin si Tatum sa Warriors dahil sa matinding game na ipinakita.

 

 

Sa naging panalo ng Warriors, para sa ibang mga nagmamasid ipinakita raw ni Stephen Curry ang kanyang legendary game na nagbuhos ng 43 points kung saan dinomina ang laro tuwing nasa loob siya ng court.

 

 

Kung mapanatili ng Warriors ang ipinakita kanina hanggang sa Game 5 ay isang panalo na lamang ang kanilang kailangan.

 

 

Gayunman para kay Tatum kumpiyansa pa rin siya na makakabawi sila sa next game at kailangan lang daw ay mabawasan ang kanilang mga turnovers at pag-ibayuhin ang kanilang offensive movement upang hindi madiskaril ang hinahangad nila na ika-18 kampeonato sa prangkisa ng Boston Celtics.

Other News
  • Warriors isang panalo na lang ang kailangan sa 3-1 lead vs Grizzlies

    BINITBIT ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors upang iposte ang 3-1 lead laban sa Memphis Grizzlies sa Game 4 ng kanilang Western Conference semifinals.     Nagtala ng walong assists at 32 points points si Curry kasama ang walong mga free throws sa huling 45.7 seconds sa fourth quarter para pangunahan ang […]

  • P1 rollback sa oil price, epektibo sa susunod na linggo

    Inaasahan na muling magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.     Sinasabing mahigit sa P1 ang oil price rollback na ipapatupad sa November 23.     Ang presyo ng gasolina aabutin mula sa P0.85 hanggang P1.10 kada litro ang posibleng ibaba ang rollback, samantalang sa diesel ay P1.20 hanggang P1.30 […]

  • Ads October 12, 2024