Pagbibigay ayuda ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad, nagpapatuloy
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPAPATULOY pa rin hanggang sa ngayon ang pagbibigay ng ayuda ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang kalamidad.
Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, na patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga taong sinalanta ng bagyo.
Sa katunayan aniya ay patuloy na nag-iikot at naghahatid ng mga relief goods ang C-130 sa mga lalawigan na labis na sinalanta ng kalamidad tulad ng Camarines at Cagayan Valley.
Habang ang dalawa naman aniyang malalaking barko ng gobyerno ay punong -puno ng mga relief goods na dadalhin naman sa Catanduanes at ilan pang mga lugar sa bansa na labis na napinsala ng bagyo.
-
Ads October 27, 2021
-
Bolick, Ravena bibida sa 21-man Gilas pool
PINANGUNAHAN nina Philippine Basketball Association (PBA) veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort at Japan B. League star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En ang 21-man Gilas Pilipinas training team na huhugutan ng 12-man Gilas Pilipinas na didribol para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon […]
-
Doha napiling host ng 2030 Asian Games
Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games. Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh. Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA. Naantala pa ng ilang oras ang nasabing […]