• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up

PAMUMUNUAN  ni Kiefer Ra­vena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Ko­rea.

 

 

Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na mag­sisilbing preparasyon para sa mga international tour­naments na lalahukan ng Gilas Pilipinas.

 

 

Pasok din sa Gilas Pili­pi­nas final 12 sina Dwight Ra­­mos, Carl Tamayo, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Geo Chiu, Dave Ildefon­so, naturalized center Angelo Kouame, Lebron Lopez at William Navarro.

 

 

Baguhan sa Gilas quad sian Rhenz Abando at Ke­vin Quiambao.

 

 

Hindi naman napasama sa final lineup sina Ricci Rivero, Thirdy Ravena at Ke­mark Carino.

 

 

Hahawakan ang tropa ni veteran mentor at Gilas assistant Nenad Vucinic.

 

 

Pinaghahandaan ng Gi­las Pilipinas ang pagsabak nito sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers gayundin ang FIBA Asia Cup.

 

 

Sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Hunyo 30 sa Auckland, New Zealand kasunod ang India sa Hulyo 3 sa Manila.

 

 

Lalarga naman ang FI­BA Asia Cup sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakar­ta, Indonesia kung saan na­sa Group D ang Pilipinas ka­sama rin ang India, New Zea­land at Lebanon.

Other News
  • P9.8 milyong droga naharang sa NAIA

    NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]

  • ‘Symbolic vaccine rollout’ ilulunsad sa A4 priority group sa June 7: Galvez

    Maglulunsad ng “symbolic vaccine rollout” ang pamahalaan sa June 7, Lunes, para sa ilang indibidwal na pasok sa A4 priority group.     Ito ang inamin ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., kasabay ng inaasahang pagsisimula ng pagbabakuna sa hanay ng mga manggagawa ngayong buwan.     Bukod sa national government, maglulunsad din daw […]

  • Extra special ang kanilang first TV commercial: DOMINIC, umaming iba rin ang pakiramdam na makatrabaho si BEA

    FIRST time lamang palang mag-work together onscreen ang real-life sweethearts na sina new Kapuso actress Bea Alonzo at Dominic Roque.     Kaya na-excite si Bea nang kunin siyang endorser ng isang brand of coffee na bukod sa photo shoot ay may TVC shoot din, at sila ngang dalawa ang magkasama.     Nag-post si […]