• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

45 BI personnel, sinibak sa serbisyo

IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na welcome sa Malakanyang ang desisyon ng Tanggapan ng Ombudsman dahil ipinapakita lamang nito ang “zero-tolerance policy against corruption in the bureaucracy” ng pamahalaan.

 

 

“The recent decision of the Office of the Ombudsman dismissing immigration employees in connection with the pastillas scam underscores that there are no sacred cows in the Duterte Administration,” ayon kay Andanar.

 

 

Gayunman, batid  naman ni Andanar, na nananatiling isang malaking hamon ang korapsyon sa gobyerno.

 

 

Aniya, “the government is mandating automation and digitalization in government processes and transactions in the collection of fees to combat widespread corruption.”

 

 

“We are, therefore, pushing for automation of government systems to avoid face-to-face contact and at the same eliminate redundant processes, for effective and efficient delivery of government services,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Neal Bainto na lahat ng immigration personnel na nahaharap sa kasong graft sa Sandigan ay hindi na pumapasok sa kanilang trabaho.

 

 

Idinagdag pa nito na tuluy-tuloy pa rin ang paglilinis nila sa nabanggit na ahensya sa pagpapatibay sa pagdisiplina sa mga tauhan nito.

 

 

Kasabay naman nito ay nanawagan muli siya sa mga tauhan ng BI na posibleng gumagawa pa rin ng naturang iligal na gawain, na mag-isip-isip na at tigilan na ang ganito.

 

 

Matatandaan na 18 tauhan ng BI ang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na matanggal na sa serbisyo sa gobyerno habang nitong Hunyo 6 naglabas muli ng kautusan na tanggalin na sa puwesto ang 45 na immigration personnel na nasangkot dito. (Daris Jose)

Other News
  • Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget

    SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara.     Pinayuhan ni Se­nate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]

  • 4 na ang patay, 1 sugatan sa pagbagsak ng Huey chopper ng PAF sa Cauayan City

    CAUAYAN CITY – Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng isang helikopter ng Philippine Air Force (PAF) kagabi.   Apat na ang patay, isa ang malubhang nasugatan sa pagbagsak ng Huey helicopter habang palipad kagabi upang magsagawa ng night vision proficiency training.   Unang lumabas sa […]

  • Naghatid-tulong din sa mga nasalanta ng bagyo: Sen. IMEE, nagbigay-pugay sa mga guro kasama ang anak na si MICHAEL

    BIDANG-BIDA ang mga guro at serbisyo publiko sa pinakabagong vlog entries ni Senator Imee Marcos sa kanyang official YouTube Channel.   Nitong Oktubre 5 (Miyerkoles), nagbalik si Attorney Michael Manotoc kasama ang kanyang ina habang pinagdiriwang nila ang World Teacher’s Day.   Ginunita ng mag-ina ang kanilang makulay na mga karanasan bilang mga estudyante at […]