Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa nakikita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo.
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng madaling araw ng Linggo, na ayon sa mga awtoridad ay mas malakas kumpara sa pagputok nito kamakailan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-3:37 ng madaling araw nang muling magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan, na tumagal nang 18 minuto.
“It’s the same mechanism pero in terms of the volume na inilabas , the steam might be greater because of the six vents where it came out,” ayon kay Solidum sabay sabing “The record of the earthquakes showed that the activity we had yesterday was more energetic than last June 5.”
Sinabi ni Solidum na kailangan nilang ikunsidera ang ilang parametro sa pagtataas sa alert level sa Bulusan, kasalukuyang nasa Level 1 o pinakamababang level of volcanic unrest ang Bulkang Bulusan.
“We are looking at magma involvement in the latest activity of the volcano. We are still looking at the type of earthquakes that we are recording. The record does not seem to show there is magma movement,” aniya pa rin.
“We also need to look at ash that were thrown out, kung luma o bago na , we’re looking at different parameters to tell us whether there is magma involvement,” dagdag na pahayag ni Solidum sabay sabing “If there is, we’ll raise to 2. And in raising to Alert Level 2, in many of the volcanoes that we monitor, hindi pa naman kami nagpapaevacuate .”
Bagaman wala pang dahilan para itaas ang alert level ng bulkan, na nasa Level 1 pa rin, nagbabala si Solidum na posible pa ang mga susunod na pagputok.
“Ang character naman ng Bulusan Volcano ay ‘yong ganyan. May mga pasulpot-sulpot na eruption na hindi lang isang beses and then titigil na. Kaya marami siya na multiple phreatic events magmula pa noong many years ago,” paliwanag ni Solidum.
Dahil sa pagputok, nabagsakan ng abo ang 35 barangay sa mga bayan sa paligid ng bulkan, mas marami kompara sa 2 barangay lang noong nakaraang linggo.
Kasama rito ang mga barangay sa Juban, Casiguran, at Magallanes. Nakaabot din umano ang abo sa Irosin at Sorsogon City.
Nagsagawa rin ng flushing ng mga abo sa kalsada ang Bureau of Fire Protection, habang umalalay sa trapiko ang pulisya.
Agad ding naglinis ang mga residente pagsapit ng umaga.
Hindi rin muna nagpatupad ng paglikas ang local disaster office sa bayan ng Juban.
“Ang order is to stay indoor and then madaling araw kaya nasa loob naman ng mga bahay. So ngayon, medyo ano naman, base dito sa panahon natin, medyo humupa naman na,” sabi ni Arian Aguallo, spokesperson ng Juban disaster office. (Daris Jose)
-
Ilang NBA stars, hindi pa tiyak na sasali sa Olympics
Wala pang katiyakan ang ilang NBA stars kung maglalaro sila sa Tokyo Olympics sa susunod na taon. Ilan sa mga dito ay sina Golden State Warriors player Stephen Curry, Andre Wiggins at Damian Lilard ng Portland Trailblazers. Halos magkakapareho ang kanilang kasagutan na hindi pa nila matiyak kung sila ay sasabak sa Tokyo […]
-
Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official
SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan. Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito. Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong […]
-
Kung exciting ang labanan sa pagka-Best Actor: CHARO, makikipagtunggali sa mga first timers sa Best Actress ng ‘Gawad Urian’
IPINAHAYAG na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 45th Gawad Urian. Ang mga nominado sa Best Picture ay Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan. For Best Director, magkakalaban sina Joselito Altarejos (Walang […]