• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Robin Padilla, ‘di bibitawan ang target na maselang komite sa Senado

WALANG  plano si Senator-elect Robin Padilla na bitawan ang nais niyang Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.

 

 

Ito ang sinabi ni Padilla sa kanyang personal na pagtungo ngayong araw sa Senado upang maging pamilyar na sa magiging takbo ng mga trabaho.

 

 

Magsisimula ang panunungkulan ng dating aktor sa Hulyo 1, 2022 bilang ganap na mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

 

 

Inamin naman nitong hindi lamang ang paghawak ng posibleng pag-amyenda sa Konstitusyon ang kaniyang pinaghahandaan, kundi maging ang iba pang mga trabaho sa 19th Congress.

 

 

Bukas din daw siyang makipag-debate sa mga kapwa senador kung kinakailangan.

 

 

Pero gagawin umano nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng salitang Filipino.

 

 

Giit niya, hindi naman mga Amerikano ang kaniyang makakadiskusyon kaya hindi nila kailangang gumamit ng English.

 

 

Nangako rin si Padilla sa mga bumoto sa kaniya na seseryosohin niya ang pagsusulong ng Federalismo, kung saan naniniwala raw siyang iyon ang rason kaya siya nanguna sa senatorial race ng 2022 elections.

 

 

Si Padilla ay kilala sa tawag na Binoy, sumikat sa ilang “bad boy roles,” action at minsan ay comedy.

 

 

Kapatid niya ang iba pang aktor na sina Rommel Padilla at Rustom Padilla o “Bb Gandanghari.”

 

 

Ang iba pa niyang kapatid ay nasa larangan din ng politika, tulad nina Camarines Norte Governor-elect Roger “Dong” Padilla at dating Rep. Roy Padilla Jr.

 

 

Ang kanilang ama kasi ay dati ring gobernador ng Camarines Norte na si Roy Padilla Sr. (ARA ROMERO)

Other News
  • Kahit alam na nila pero ‘di pwedeng sabihin: DINGDONG, inaming na-experience nila ang joy of discovering kung sino ang killer

    ANG actress-singer na si Vina Morales ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”  Isa sa unang naitanong kay Vina ay kung naniniwala pa ba siya sa kasal. Medyo nabigla si Vina  pero sagot niya, isa raw iyon sa ipinagdarasal niya, naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya. […]

  • VHONG NAVARRO, SUSUKO SA NBI

    NAKATANDANG sumuko  sa National Bureau of Investigation o NBI ang TV host na si Vhong Navarro.     Ito ay matapos maglabas ng kautusan ang Taguig Metropolitan court ng warrant of arrest laban sa actor comedian sa kasong acts of lasciviousness na isinampa noong 2014 ng model-stylist na si Deniece Cornejo.     Kinumpirma ng […]

  • Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM

    DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras.     Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image.   Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host […]