• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Green muling aasahan ng Warriors

LABAS-masok man sa krusyal na bahagi ng fourth quarter sa panalo ng Golden State Warriors sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals noong Sabado ay isa pa rin si Draymond Green sa mga aasahan ni coach Steve Kerr sa Game Five ngayon (Manila time).

 

 

“Draymond is Draymond. He’s going to bring it every night,” wika ni Kerr kay Green na pinaupo niya sa bench kasunod ang 11-4 atake nina Stephen Curry, Klay Thompson, Jordan Poole, Andrew Wiggins at KevonLooney sa final canto patungo sa panalo.

 

 

Binalewala naman ni Green ang pagpapaupo sa kanya ni Kerr.

 

 

“I think you can get caught up in everything that’s going around, but those that watch and understand basketball, I made an impact the entire game,” sabi ni Green.

 

 

Itinabla ng Warriors ang kanilang best-of-seven series ng Celtics sa 2-2 matapos agawin ang 107-97 panalo sa Game Four.

 

 

At pag-aagawan nila ang krusyal na panalo papalapit sa pagkopo sa NBA championship.

 

 

Ang two-time NBA MVP na si Curry ang pilit na patatahimikin ng Boston.

 

 

Kumonekta si Curry ng pitong tres sa nasabing panalo ng Warriors sa Cel­tics na bigong maitayo ang 3-1 lead sa serye.

Other News
  • Tinalakay ang karagdagang tulong para sa mga Bulakenyo, Kalihim ng DSWD, nakipagpulong kay Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakipagpulong si Kalihim Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development kay Gobernador Daniel R. Fernando umaga ng Sabado sa DSWD Office sa Quezon City upang talakayin ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya at iba pang tulong na maaaring ipagkaloob upang mapagaan ang kasalukuyang sitwasyon sa lalawigan.     […]

  • COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate

    Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.     Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.     Nitong Hunyo 8, uma­bot pa lamang sa 4.6 mil­yon […]

  • South Korea planong payagan ang mga COVID-19 positive na bumoto sa halalan

    NAGHAHANAP  na ng paraan ang parliamento sa South Korea para payagan ang mga mamamayan nila na nagpositibo sa COVID-19 na makaboto.     Isasagawa kasi ang presidential election sa nasabing bansa sa Marso 9.     Kasabay ng nasabing halalan ay nahaharap sa hamon ang kanilang gobyerno dahil sa paglobo ng kaso ng Omicron coronavirus […]