• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, nakapagtala ng 16 pang kaso ng highly transmissible Omicron subvariants

NAKAPAGTALA  ang Pilipinas ng 16 pang kaso ng highly transmissible omicron subvariants na BA.5 at BA.2.12.1.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bilang ng mga bagong impeksyon ay nagpataas sa kabuuang kaso ng BA.5 at BA.2.12.1 sa buong bansa sa 11 at 39.

 

 

Anim pang kaso ng BA.5 ang natagpuan, kung saan dalawa ay mula sa Metro Manila, at tig-isa mula sa Cagayan Valley, Western Visayas, at Northern Mindanao, habang inaalam pa ang lokasyon ng natitirang pasyente.

 

 

Apat na pasyente naman ang ganap na nabakunahan habang tinitingnan pa ng DOH ang status ng iba.

 

 

Limang indibidwal ang na-tag bilang naka-recover habang ang isa ay nananatili sa home isolation.

 

 

Samantala, 10 pang kaso ng BA.2.12.1, isang sublineage ng nangingibabaw na variant ng Omicron BA.2, ang natukoy.

 

 

Apat na pasyente ay mula sa Metro Manila, dalawa mula sa Calabarzon, tig-isa mula sa Cagayan Valley, Bicol region, at Western Visayas, at isa ay isang returning overseas Filipino.

 

 

Tatlong indibidwal ang ganap na nabakunahan at ang inoculation status ng mga natitirang pasyente ay biniberipika pa.

 

 

Dalawa naman ang may banayad na sintomas, tatlo ay asymptomatic, at ang mga sintomas ng limang pasyente ay patuloy na tinitingnan, ayon pa kay Vergeire.

 

 

Walong pasyente ang naka-recover, isang kaso ang nananatiling aktibo, habang ang isa  ay patuloy na biniberipika, aniya.

 

 

Ang pagkakalantad at kasaysayan ng paglalakbay ng lahat ng mga pasyente ay sinusuri pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • DoT tiwalang lolobo pa ang bilang ng turista sa bansa

    NANINIWALA ang Department of Tourism (DOT) na lalong lolobo pa ang bilang ng mga turista na bibisita hanggang sa huling dalawang linggo ng Disyembre.     Sinabi ni DoT Secretary Christina Frasco, na mula pa noong Enero hanggang sa unang bahagi ng Disyembre ay nasa mahigit dalawang milyon na ang bilang ng turista na bumisita […]

  • “TRANSFORMERS: RISE OF THE BEASTS” ROLLS OUT TO A ROARING US$171 GLOBAL OPENING WEEKEND, OPENS AT NO.1 IN PH

    TRANSFORMERS Rise of the Beasts crushed its competition at the global box office with a massive weekend opening of US$171 million at the worldwide box office.      In the Philippines, the film debuted at No.1 on its five-day opening weekend, nabbing a huge chunk of the market share.     Watch the new featurette: […]

  • 2 kalaboso sa P170K shabu sa Malabon

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Malabon City.     Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]