• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hinikayat ang mga Pinoy na suportahan si VP Elect Sara Duterte

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Filipino na suportahan si Vice President-elect Sara Duterte na nanumpa bilang pang-15 bise-presidente ng bansa, araw ng Linggo, Hunyo 19.

 

 

“We once again express our deep gratitude to the Filipino people for the trust and support they have given to the Vice President-elect,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar.

 

 

“Let us stand behind Vice President-elect Duterte and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Duterte na magiging maiksi lamang ang kanyang inauguration speech dahil na rin sa “unpredictability” na panahon.

 

 

Aniya, ang kanyang magiging talumpati ay “just be [about] rallying the entire country to what we should do and focus on.”

 

 

Ang inagurasyon ni Duterte ay naganap gawin sa balwarte ng kanyang pamilya, sa Davao City.

 

 

Nanumpa si Duterte bilang pang-15 bise-presidente ng bansa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

 

 

Ang inagurasyon ay idinaos sa San Pedro Square simula alas-3 ng hapon at nagtapos ng alas-11 ng gabi.

 

 

Dumalo ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, at running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang event ay nagsimula sa pamamagitan ng thanksgiving Mass ng alas- 3 ng hapon sa San Pedro Cathedral na dadaluhan ni Archbishop Romulo Valles.

 

 

Sinundan ito ng inaugural ceremony ng alas- 4:30 ng hapon sa stage area.

 

 

Isang musical concert naman ang nagpuno sa event. (Daris Jose)

Other News
  • Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine

    NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.     Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito.     Sinabi ni European Commission […]

  • Pres. Duterte ipinagdasal ang bansa sa nararanasan COVID-19 crisis

    Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdarasal para sa paggaling ng bansa laban sa COVID-19.     Sa kaniyang mensahe sa interfaith prayer meeting na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religiuos Affairs (OPARA) at ilang religious groups nanawagan ang pangulo sa mga Filipino na magdasal para gumaling.     Nanawagan ito sa […]

  • “‘WONKA’ IS ABOUT BRINGING A LIGHT INTO A WORLD THAT IS IN DESPERATE NEED OF IT,” SAYS TIMOTHÉE CHALAMET

    Timothée Chalamet is proud to be a part of “Wonka.”        All the singing and dancing aside, Chalamet, who plays the beloved chocolatier in the film, is most proud of being part of “a joyous movie, that is about bringing a light into a world that is in desperate need of it,” he […]