Marunong ang Diyos- PDU30
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakagawa siya ng magandang impresyon sa Diyos kaya’t hinayaan siyang matapos ang anim na taon ng kanyang pagkapangulo.
“I walk with a limp, due to small fractures from riding motorcycle. Marunong ang Diyos, binigay sa akin ang presidency, katandaan ko [na]…last year, naglabasan na lahat ng sakit. Ang term ko matatapos na rin kaya timing lang, binigay ng Panginoong Diyos,” ayon kay Pangulong Duterte sa groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Bagac, Bataan.
Mahigit isang linggo na lang kasi ay matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte.
“Ewan ko kung anong nagawa ko sa buhay na ito. Maybe I have done something good, na impress ko si Jesus,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.
Matatandaang, sa isa sa naging talumpati ng Pangulo, tinawag na ‘stupid’ ni Pangulong Duterte ang Diyos.
Bilang Pangulo ng bansa, naging tapat siya sa kanyang tungkulin at ang sweldo niya ay sapat na para sa kanyang pamilya.
“Sweldo ko, P196,000. Hatiin ko pa iyan sa dalawang pamilya. Wala na akong bisyo, di na ako umiinom. Sa kama na lang ako,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.
Muling inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang mga naunang pahayag na nakipag-kaibigan siya sa mga komunista para makakuha ng boto, subalit tinugis niya ang mga ito bilang kanyang tungkulin para protektahan ang bansa.
“Pulitiko ka eh, boto lang ‘yan eh. The police and military should give a bigger window to politicians…aakyat ng bundok, magbabayad…boto eh. But when I became President, sinabi ko, tapos na ang pagkakaibigan natin,” ayon sa Chief Executive.
“Ako, naging Presidente, I swore to defend the territory of the Republic of the Philippines. Trabaho sagrado ‘yan. Kaaway na tayo. There is a time to be a friend, time to be enemies, time for killing, time to be at peace, time to be a shining star in the sky,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ng Pangulo na sa pagdating ng Hunyo 30 ay tapos na ang kanyang pagiging “star of the show.”
“After June 30, I will not be a shining star anymore. I will be an ordinary citizen…ganoon na lang kaliit,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Disney Animation’s “Strange World” – All-New Featurette Now Available
A new featurette is now available for Walt Disney Animation Studios’ action-packed adventure “Strange World,” revealing how the voice cast describes the upcoming feature: crazy, bizarre, adventurous, mysterious, thrilling, mind-blowing and, of course, strange. Watch the featurette below: Featured stars include Jake Gyllenhaal, who lends his voice to Searcher Clade, a […]
-
Omicron isa ng dominant variant sa bansa – DOH
ITINURING na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus. Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing. Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan […]
-
Kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal… Zubiri, nanawagan ng agarang modernisasyon ng AFP at PCG
DAHIL sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal, binigyang-diin ng Dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine Coast Guard (PCG). […]