• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media

BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa  “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni  outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng  fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 .

 

 

“Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng isang malawakang pagkilos at inisyatiba para tugunan at kalabanin itong paninira at paglaganap nitong fake news at kasinungalingan sa social media. Klaro na itong klase ng kalakaran ay nakakasira sa ating demokrasya at maayos na diskursong pampubliko,” Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni  Robredo.

 

 

“Pinag-uusapan, kasama ng ilang grupo ng mga abogado, ang pagsasampa ng kaso laban doon sa mga tao na pinipilit na ipagpatuloy ito at posible ring laban doon sa mga mismong plataporma na nagho-host ng mga ganitong klaseng materyales gayang mga social media platforms na meron tayo sa kasalukuyan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Paliwanag ni Gutierrez,  hindi nila ito  ginagawa  para lamang kay Robredo kundi para rin sa kapakanan at kabutihan ng buong bansa at ng buong lipunan.

 

 

“Kailangan mapalabas natin ‘yung totoo. Kailangan ang ating usapan ay nakabatay sa katotohanan at datos, at hindi sa fake news,” ayon kay Guttierez. (Daris Jose)

Other News
  • JAO, hangang-hanga kay RHEN at nagpapasalamat kay ROSANNA sa pag-alalay sa kanya noon

    SA digital mediacon ng erotic love story na  Paraluman na mula sa award-winning thriller and horror-film director na si Yam Laranas, natanong namin ang nagbabalik-bida sa pelikula na character actor na si Jao Mapa, tungkol sa paggawa niya ng daring scenes noon with Rosanna Roces sa Matrikula at ngayon naman kay Rhen Escano.     […]

  • Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

    DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.     Ngayong taon, sunud-sunod na umabot […]

  • Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, […]