• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA maghihigpit sa paggamit ng e-bikes, e-scooters

MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa enforcement ng Land Transportation Office (LTO) order upang maging maayos ang paggamit ng e-bicycles at e-scooters dahil sa mga maraming aksidenteng nangyayari na kinasasakungkutan nito.

 

 

 

Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office for Enforcement Victor Nunez na gusto lamang nilang magkaron ng road safety sa paggamit ng e-bikes at e-scooters.

 

 

 

Dagdag pa niya na ang MMDA ay naging maluwag sa pagpapatupad ng LTO’s Administrative Order 2021-039 na siyang nagaayos ng paggamit ng e-bikes at e-scooters dahil na rin hindi pa 100 percent capacity ang mga pampublikong transportasyon noong may pandemya.

 

 

 

“Now, since mass public transport is back to 100 percent capacity and face-to-face classes are about to resume in a couple of weeks, we know that many students might use these e-bikes and e-scooters. We just want to promote road safety,” wika ni Nunez.

 

 

 

Sa ilalim ng LTO order, ang mga e-bikes at e-scooters ay limited lamang sa mga bicycle lanes, barangay (community) road at dapat sila ay magbibigay ng right of way sa mga incoming traffic. Hindi rin sila pinapayagan na dumaan sa gitna ng mga pangunahing lansangan.

 

 

 

Ayon sa MMDA, may 346 road crashes at accidents ang kanilang naitala sa paggamit ng e-bikes at e-scooters sa langansang ng Metro Manila noong nakaraang taon habang may 82 pa ang nasangkot ngayon.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, may naitalang pagbaba ang MMDA ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA dahil na rin sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong gasolina.

 

 

 

“The MMDA estimated that around 392,000 cars traversed EDSA on June 9. The figure was lower than the 417,000 vehicles that passed through the busiest thoroughfare in Metro Manila on May 5. This is also lower than the average daily volume of 405,000 cars on EDSA before the COVID-19 pandemic struckt,” wika ni MMDA general manager Romando Artes.

 

 

 

Ayon kay Artes ang mga car owners ay hindi na lamang gumagamit ng kanilang mga sasakyan dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng produktong gasolina. Halos lingo-lingo na lamang ay tumataas ang presyo nito.

 

 

 

Dahil din dito ay ang mga drivers at operators ng PUVs tulad ng jeepneys, taxis at ride-hailing app services ay humihinto na lamang na pumasada.

 

 

 

Tumaas na naman ang presyo ng diesel at kerosene ng P4.30 at P4.85 kada litro, respectively. Ang gasoline naman ay tumaas ng P2.15 kada litro.  LASACMAR

Other News
  • Abangan ang Christmas Special ng ‘TikTalks’: Usapang totoo kasama sina KORINA, KAKAI, G3, PATP, at ALEX

    ITO na ang talk show na naiiba yata sa lahat – truly different from the rest.  “Well, we designed it that way – that it be different. Real talk. Real people representing different tribes. No holds barred. Kaya edit nalang kami nang edit, hahaha,” sabi ng mga co-producers na sina Korina Sanchez Roxas at Jojie […]

  • Healthcare providers sa Bulacan, sinuri ang bisa ng DAT para sa TB

    LUNGSOD NG MALOLOS- Birtwal na tinipon ng proyektong Adherence Support Coalition to End TB (ASCENT) ang mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa Bulacan kasama ang iba pang may kinalaman sa pagsugpo sa TB sa lokal, rehiyon at sentral na lebel ng National Tuberculosis Control Program (NTP) upang suriin ang pagtugon ng digital adherence technologies (DATs) sa pangangailangan […]

  • Ginagawa ang lahat para manumbalik ang showbiz career… ALBIE, nabinyagan na rin sa ‘love scene’ at aminado na nahirapang gawin

    NAPASABAK na rin ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casino sa pakikipag-love scene sa latest offering ng Viva Films, ang Moonlight Butterfly na streaming na ngayon sa Vivamax worldwide.     For the first time, nakagawa na si Albie ng sex scene na pelikulang dinirek ni Joel Lamangan na kung saan nabinyagan siya newest […]