• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, kinumpirma ang intel ukol sa plano na guluhin ang inagurasyon ni Bongbong Marcos

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  intelligence reports kaugnay sa  di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Tiniyak ng DILG na nakahanda ng ang  mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta.

 

 

Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na plano ng  communist groups at ng kanilang di umano’y front organizations na pahiyain si  Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon sa Hunyo 30

 

 

Sinabi ni Malaya na ang DILG at ang attached agencies nito na Philippine National Police (PNP) ay seryosong tinitingnan ang nasabing ulat.

 

 

“We are taking these intelligence reports seriously and we will do what is necessary to thwart any attempt to embarrass or discredit the forthcoming inauguration,” ayon kay Malaya.

 

 

Aniya pa, pinaigting ang security measures sa National Museum grounds sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue sa Maynila, kung saan inaasahan na  magte-take oath of office si Marcos Jr.

 

 

Tinatayang 6,200 PNP personnel, hindi pa kasama ang  ibang  uniformed services, ang ide-deploy upang i- monitor ang mga key areas na malapit sa National Museum.

 

 

Kaya nga ang nasabing plano ng rebeldeng komunista ay hindi na nakagugulat dahil ang grupong ito ay desididong guluhin ang gobyerno.

 

 

“That’s part of their playbook. Whoever sits in Malacañang is their enemy because ultimately, all they want is to overthrow the government through violent means to be followed by a socialist revolution,” ayon kay Malaya.

 

 

Tinukoy ni Malaya ang ibinunyag ng apat na dating miyembro ng   Communist Party of the Philippines at  New People’s Army (CPP-NPA) na ang mga rebelde ay nakikipagpulong sa mga magsasaka sa Hacienda Tinang.

 

 

Ang Hacienda Tinang ay ang kontrobersiyal na Tarlac farmland na nadawit sa kontrobersiya matapos na ang agrarian reform beneficiaries at kanilang kaalyado ay inaresto dahil sa sinasabing “uprooting existing plantations.” (Daris Jose)

Other News
  • Ukraine President, nagpahayag ng katatagan para sa kalayaan sa kanyang madamdaming talumpati sa harap EU

    ISANG makabagbag damdamin ang ibinahagi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa kanyang naging talumpati sa European Parliament.     Sa kanyang mensahe ay ipinahayag ni Zelenskyy ang kanyang katapangan at katatagan na sumasalamin din sa pakikibaka ng Ukraine ngayon sa kasagsagan ng mas umiinit pang tensyon nito laban sa Russia.     Sinabi ng pangulo […]

  • Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya

    NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.     Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, […]

  • Sa MP2 savings program: Pag-IBIG members nakaipon ng P26 bilyon

    UMAABOT na sa halos P26 bilyon ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program na isang pananda na mas dumami pa ang mga pumapasok at sa programang ito sa kabila ng umiiral na pandemya.     Ang MP2 Savings program ay isang vo­luntary savings platform […]