• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ROCKETS, ‘NOT PRESSURED’ KAHIT NAIS NANG UMALIS NINA HARDEN, WESTBROOK

WALA umanong nararamdamang pressure ang Houston Rockets na i-trade si James Harden o Russell Westbrook, kahit na naghayag na ang dalawang superstars ng kanilang interes na makalipat na sa ibang koponan.

 

Nananatili raw kasi ang paninindigan ng pamunuan ng Houston na hindi ite-trade ang dalawa hangga’t walang team ang nakakatapat sa asking price.

 

Batay sa ilang mga impormante, handa rin daw ang Rockets na simulan ang training camp at simulan ang season na nasa roster sina Harden at Westbrook, kahit na hindi na raw natutuwa ang dalawa sa sitwasyon.

 

Sinasabing nagkaroon na rin daw ng diskusyon ang Rockets at Washington Wizards kaugnay sa isang deal kung saan ipapalit kay Westbrook si All-Star guard John Wall.

 

Pero hirit daw ng Rockets, maliban kay Wall ay dapat ding magsama ng assets ang Wizards.

 

Sa kabila nito, hindi naman daw naoobliga ang Houston na tuparin ang hiling ni Harden na makalipat ito sa Brooklyn Nets.

 

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Rockets ang pag-iipon ng kanilang assets na posibleng makatulong sa franchise sakaling matuloy ang paglisan ng dalawang NBA stars.

Other News
  • PNR, LIMANG TAON TIGIL OPERASYON

    LIMANG taon na tigil operasyon ang Philippine National Railways (PNR) na magsisimula sa Mayo, ayon kay  PNR general manager Jeremy Regino .     Ayon kay Regino, unang hihinto ang operasyon ang biyaheng Alabang papuntang Calamba.     Pagsapit ng Oktubre ay hihinto Naman ang Tutuban patungong Bicutan o Tutuban hanggang Alabang at Governor Pascual […]

  • NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 15 mga estudyante at kanilang mga magulang ang isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na nagpakita ng kakaibang kakayahan sa sining.     Sila ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025 na […]

  • Queen Bees and Wannabes: ‘Mean Girls’ Hits PH Cinemas

    Catch the latest buzz as ‘Mean Girls’, a fresh take on high school drama by Tina Fey, debuts in Philippine cinemas on February 7.  Join Cady Heron and the iconic Plastics in this must-see comedy. High school is a world of its own, filled with cliques, drama, and unforgettable moments. On February 7, Philippine cinemas […]