• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga basketball fans at ilang atletang Pinoy sabik na makuha sa NBA Draft si Kai Sotto ngunit nabigo itong makamit

INAABANGAN na ng maraming Filipino basketball fans kung mapipili sa 2022 NBA Draft si 7-foot-3 center na si Kai Sotto.

 

 

Isinagawa kahapon ang NBA Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

 

 

Maraming mga kapwa basketball players at national athletes sa bansa ang nagpapaabot ng ‘good luck’ wish kay Sotto.

 

 

Bagama’t hindi nakasama ang pangalan ni Sotto sa inilabas na mock drafts mula sa iba’t ibang mga mamamahayag ay hindi nawawalan ng pag-asa ang 20-anyos na si Sotto.

 

 

Mula kasi noong 2019 ng magtungo na sa US si Sotto para sa full-time training ay nakapaglaro na rin ito sa NBL bilang paghahanda sa NBA.

 

 

Nakasama rin ito sa iba’t ibang workouts ng mga NBA teams.

 

 

Ipinagmalaki ni Sotto kung bakit nararapat na siya ay piliin ay dahil siya ay skilled seven footer na kayang maipasok ang bola mula sa labas at magaling din itong magpasa bukod sa pagkakaroon niya ng mataas na basketball IQ at blocker.

 

 

Sakaling mapili aniya ito sa anumang NBA Team ay handa niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.

 

 

Naglaro ito ng isang season sa Australian Basketball League sa koponang Adelaide kung saan mayroon itong average na 7.5 points, 4.5 rebounds at 50 percent shooting mula sa field sa loob ng 23 laro. Sakaling mapili itinuturing siya na bilang kauna-unahang full-blooded Filipino na maglalaro sa NBA.

 

 

Samantala, sa pinakabagong inilabas na balita, bigo at hindi napili sa NBA Draft si Sotto.  At kahit hindi napili sa 2022 NBA Draft si Kai,  he is not giving up on his NBA dreams yet.  For now, Sotto said  he’ll try to get better and improve to secure a spot in an NBA team in the future.

Other News
  • Motorcycle taxis babalik sa operasyon

    PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang muling operasyon ng motorcycle taxis matapos na ang House of Representatives ay aprobahan ang extension ng pilot study program.   Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ang IATF ay pumayag sa muling operasyon ng motorcycle taxis study na ipapatupad at […]

  • Ads June 16, 2022

  • LTO nag-isyu ng SCO vs Vlogger-Rider na nag-upload ng tahasang paglabag sa patakaran ng motorsiklo sa mga expressway

    NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) Huwebes, September 12, ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang rider na sadyang pumasok sa South Luzon Expressway (SLEX) kahit alam niyang bawal ang kanyang motorsiklo sa ilalim ng umiiral na mga patakaran.     Batay sa umiiral na alituntunin, mahigpit na ipinagbabawal sa expressway ang mga motorsiklong […]