• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, ipinagpaliban ang booster rollout para sa non-immunocompromised children na may edad na 12-17

IPINAGPALIBAN  ng national government  ang  pagbibigay ng  kauna-unahang  COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised children na may edad na  12 hanggang 17  bunsod ng  ilang  “glitches”  sa  Health Technology Assessment Council (HTAC).

 

 

Ipinaliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje  na ang  HTAC ay gumawa ng kundisyon na ang  healthy adolescents na may edad na 12 hanggang 17 ay mabibigyan lamang ng kanilang  booster shot kung ang  booster coverage para sa senior citizens sa kani-kanilang lugar ay umabot sa  40%.

 

 

“We were confident sana na after the immunocompromised, sisimulan na ang rest of the 12 to 17 booster. Kaya nga lang po, may isang recommendation ang HTAC na nakiki-bargain kami. Ang gusto nila, at least 40% ng first booster ng area ay sa senior citizen. Alam naman natin na mababa ang first booster. Scientifically, may basis sila, pero operationally, nahihirapan kami,” ayon kay Cabotaje.

 

 

Ang rollout  ng  unang  COVID-19 booster dose para sa immunocompromised minors  para sa nasabing age group ay nagsimula, araw ng Miyerkules  subalit sa mga ospital lamang dahil sa safety reasons.

 

 

Sinabi ni Cabotaje, na nananatili pa rin silang nakikipag-negosasyon sa HTAC  kaugnay sa  nasabing kondisyon, umaasa na magdedesisyon ito sa loob ng isang araw kung ang booster inoculation para sa non-immunocompromised children  na may edad na 12  hanggang 17  ay  maaaring magpatuloy “as long as they meet the five-month interval.”

 

 

Base sa  guidelines ng Department of Health (DOH), ang  immunocompromised adolescents na may edad na 12-17 ay maaaring makatanggap ng  first booster  ng 28 araw matapos ang  second dose ng COVID-19.

 

 

Samantala,  ang non-immunocompromised  mula sa parehong age group ay kailangan na maghintay ng  limang buwan matapos ang bakuna ng kanilang  second COVID-19 dose bago pa sila makakuha ng kanilang unang  booster shot. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Kaya one teleserye na lang in a year: KATRINA, hinangaan sa desisyon na tutukan ang anak na may ‘mild autism’

    MARAMI ang humanga sa sinabi ni Katrina Halili na mas importante sa kanya ang maalagaan ang kanyang anak kesa sa tumanggap siya ng sunud-sunod na trabaho.       Na-diagnose ang unica hija ni Katrina na si Katie with ASD o autism spectrum disorder, isang “neurological and developmental disorder that affects how people interact with […]

  • COVID-19 cases sa Pilipinas gumagapang palapit ng 980,000

    Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,719 bagong infection ng coronavirus disease Biyernes, kung kaya nasa 979,740 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 979,740 nagpapagaling pa: 102,799, […]

  • “DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES” STEALS AWAY WITH NEW TRAILER

    LET the adventure begin.    Watch the brand-new trailer for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and see the film only in Philippine cinemas March 29. YouTube: https://youtu.be/Qt-zNt-VdWQ     Facebook: https://facebook.com/watch/?v=3400703543539409&ref=sharing     About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves      A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve […]