• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lahat ng security measures, gagamitin para sa inagurasyon ni BBM-DILG

HANDANG-HANDA na ang puwersa ng estado para sa posibleng mangyaring panggugulo at banta mula sa makakaliwang grupo dahil pinaigting ang security measures sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong’’ Marcos Jr. sa  National Museum sa Hunyo 30.

 

 

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, magiging aktibo ang Manila Task Force Shield lalo pa’t ipatutupad ang temporary road closures, checkpoints, no sail zone sa Pasig River at gun ban regulation.

 

 

Magsasanib-puwersa naman ang  Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units (LGUs) at iba pang concerned agencies upang tiyakin ang maayos at mapayapang proseso ng inagurasyon.

 

 

Sinabi ni Malaya  na ang mga lider ng makakaliwang grupo ay nagdaos ng kanilang press conference kung saan inanunsyo ng mga ito na magsasagawa sila ng  protest rallies  hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi maging sa ibang bahagi ng bansa gaya ng  Baguio City, Cebu, Iloilo at Naga City.

 

 

Giit ni Malaya, ang freedom of expression ay “Constitutionally enshrined but must be done in a peaceful and orderly manner without any provocation towards the law enforcers or any form of unruly behavior.”

 

 

Humingi naman ng paumanhin si Malaya sa publiko dahil sa temporary inconvenience bilang bahagi ng  security preparation upang matiyak ang “peaceful and orderly transition of power.”

 

 

“Please keep your (leftist groups) protest peaceful, Huwag na po tayong makipaggitgitan wag na pon nating gawan pa ng eksena ito (Do not exhibit rowdy behavior. Do not make any scene). Respect the people’s will in the last election,’’ ayon kay Malaya.

 

 

Sa kabilang dako, tuwing nagdaraos ng inagurasyon, sinabi ni Malaya na palaging gumagawa ng eksena ang makakaliwang grupo  upang makakuha ng  media mileage bilang bahagi ng kanilang  propaganda at para makakuha ng simpatiya at  makapag- project ng imahe na hina-harrass sila ng gobyerno.

 

 

Dahil dito, ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga police officers na magpatupad ng  maximum tolerance at kung posible ay makipag-ugnayan sa mga makakaliwang grupo sa pamamagitan ng dayalogo. (Daris Jose)

Other News
  • Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

    PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.   Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na […]

  • 85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH

    Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’.     “Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in […]

  • Ads March 6, 2024