• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya itinuloy na lang ang acting career: CARLOS, kinalimutan na ang pangarap na maging doktor

KINALIMUTAN na ni Carlos Dala ang pangarap niyang maging doktor.

 

 

Sa storycon ng bagong movie ni Jay Altarejos titled “Pamilya Sa Dilim” ibinahagi ng mahusay na actor na suportado ng kanyang mga magulang ang desisyon niya na gawin career ang pag-aartista.

 

 

Ayon kay Carlos, mas gusto niya na ituloy ang kanyang acting career at huwag na pumasok sa medical school as originally planned. Sa tingin niya ay mas nababagay ang talent niya sa acting kaya ito ang kanyang ipu-pursue.

 

 

Sabi pa ng mainstay ng “A Fake Life”, sobrang honored sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging bahagi ng isang magandang show. Magandang learning experience daw ito sa kanya dahil maraming siyang natutunan being part of the show.

 

 

“Ibang mundo rin talaga ang paggawa ng isang soap opera, lalo na ‘yung panghapon tapos sa isang major network pa. Sobrang masaya lang na makasama kong ‘yung cast sa show,” pahayag pa ni Carlos.

 

 

Unang napansin ang husay ni Carlos sa indie movie na “1-2-3 (Gasping for Air)” na naging opening film ng Cinemalaya noong 2016.

 

 

Excited siya na makatrabaho sina Allen Dizon at Laurice Guillen sa “Pamilya sa Dilim” na produced ni Mr. Art Cruz ng ADCC Productions.

 

 

Teenager na biktima ng EJK ang role ni Carlos sa movie at gusto raw niya bumuo ng magandang karakter sketch para sa role niya sa movie.

 

 

Kasama rin sa movie sina Therese Malvar at Barbara Miguel na co-stars ni Carlos sa “1-2-3 (Gasping for Air).” Reunion movie nila ito na ang script ay isinulat ni Jay Altarejos.

 

 

***

 

 

MAY plano pa rin magdirek ng pelikula ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen, lalo na kapag may dumating na magandang script.

 

 

Pero balik-acting muna siya sa “Pamilya sa Dilim” kung saan importanteng papel bilang matriarch ang ginagampanan niya.

 

 

Enjoy naman si Direk Laurice working with a young cast sa mga TV shows na ginagawa niya. Masarap daw katrabaho ang mga bata dahil marami siyang natutuhan dito.

 

 

Excited si Direk Laurice sa role niya sa “Pamilya sa Dilim” dahil maganda ang script na isinulat ni Jay Alterejos.

 

 

***

 

 

TAPOS na ang shooting ng “Finding Daddy Blake”, according sa producer nito na si Marc Cubales.

 

 

Nasa editing stage na ang pelikula pero by October ay ipalalabas na ito.

 

 

“Excited na nga ako then after that itutuloy ko na yung ibang pending project,” pahayag pa ng model-turned-producer.

 

 

Tampok sa cast ng Finding Daddy Blake sina Oliver Aquino, Gio Alvarez, Jonathan Ivan Rivera, Carlos Dala at Tommy Alejandrino. The movie is directed by Jay Altarejos.

 

 

Hindi pa nire-reveal ni Direk Jay kung sino ang gumaganap sa pivotal role ni Daddy Blake pero ang naging biktima niya ay sina Oliver at Carlos ang gumaganap.

 

 

Sa ngayon ay focused si Marc sa pagtulong sa mga school sa San Mateo Rizal at Montalban. Dati pa rin naman involved si Marc sa charity work at pagtulong sa mga nangangailangan.

 

 

Pero excited na siya na mapanood ng mga tao ang “Finding Daddy Blake” dahil explosive ang pelikula.

 

 

(RICKY CALDERON)

 

Other News
  • Final 12 ng Gilas Pilipinas players iaanunsiyo ngayong araw ng SBP bago ang biyahe nila sa Lebanon

    NAKATAKDANG  bumiyahe na ngayong araw ang Gilas Pilipinas patungong Beirut, Lebanon para sa pagsabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.     Makakaharap kasi nila ang Lebanon sa Agosto 25 habang babalik sila sa bansa 29 para makaharap ang Saudi Arabia.     Sa ginawang ensayo ng national basketball team nitong Linggo […]

  • Kahit bad trip, ‘di malilimutan ang muling pagbisita: MICHAEL V, idinaan na lang sa biro ang pagkakaroon uli ng Covid-19

    NAGBIRO pa si Michael V. sa Instagram post niya na “ROUND 2… FIGHT!”     “Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-“HI” lang daw at magpapa-alaala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi […]

  • DBM, inilunsad ang ‘Angat local PH’ para sa devolution info

    INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang “Angat Lokal PH’ Facebook page para ikasa at masimulan ang “awareness at information campaign on devolution” ng pamahalaan.   Ang ‘Angat Lokal PH” FB page ay official social media platform […]