• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biden inimbitahan si Marcos sa White House

INIMBITAHAN umano ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. na bumisita sa Washington.

 

 

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez kahapon.

 

 

Wala pa namang pinal na eksaktong schedule na itinakda sa pagtungo ni Marcos sa Estados Unidos.

 

 

Kinumpirma rin ni Romualdez na ang imbitasyon ay personal na inabot kay Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff.

 

 

Si Emhoff ang na­nguna sa presidential delegation na ipina­dala ni Biden para du­malo sa inagurasyon ni Marcos noong Hunyo 30 sa National Museum of Fine Arts sa Maynila.

 

 

Wala pa namang pahayag ang kampo ni Marcos tungkol dito. (Ara Romero)

Other News
  • PhilHealth: Breast cancer benefit, itinaas sa P1.4 milyon

    MAGANDANG balita dahil umaabot na ngayon sa P1.4 milyon ang benepisyo sa gamutan na ­maaaring matanggap ng mga breast cancer patients mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito’y matapos na aprubahan na ng state health insurer ang pagtataas ng kanilang “Z-Benefit Package.” Sa isang public briefing, sinabi ni PhilHealth acting Vice President for Corporate […]

  • Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games

    PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes  ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.     Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit […]

  • Ads August 10, 2022