• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Flood control project ng MMDA nakumpleto na

NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.

 

 

Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 flood control projects sa Metro Manila para sa 2021 ay hindi natapos dahil sa pandemya at iba pang kadahilanan gaya ng mga isyu sa right-of-way; relokasyon ng mga pamilyang informal settler; pagbabago sa pagkakasunud-sunod dahil sa karagdagang mga item/realignment ng mga aktibidad batay sa kasalukuyang sitwasyon/kondisyon sa site sa pagpapatupad; at mga paghihigpit sa mobility ng manggagawa at kagamitan na dala ng pandemya.

 

 

Tiniyak ni Melgar na ­‘operational and serviceable’ na ngayong taon na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.

 

 

Ngayong tag-ulan na, ang lahat na 77 pumping stations ng ahesnya sa Metro Manila ay gumagana sa full capacity, aniya pa.

 

 

Gayundin, ang flood-mi­tigation activities para sa declogging at paglilinis ng daluyan ng tubig tulad ng mga estero at sapa na buong taon ginagawa. (Ara Romero)

Other News
  • Ads November 7, 2024

  • Paglikha ng mga bagong Korte, ikinagalak ng SC

    IKINAGALAK ng Korte Suprema ang paglikha ng mga bagong dagdag na 60 Korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.     Ayon sa SC, ang paglikha ng mga bagong Korte ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Republic Act 12044 hanggang Republic Act 12054.     Sinabi rin ng SC na mapapabilis nito […]

  • Turismo palakasin para sa trabaho – Bong Go

    SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang badyet at mga programa ng Department of Tourism para sa susunod na taon dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng turismo sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.     Ayon kay Go, ang turismo ay isang pundasyon ng ekonomiya at kailangan aniyang maglaan ng sapat […]