• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: BBM pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel

BINIGYAN ng go-signal ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpapatuloy ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus rides hanggang katapusan ng taon.

 

 

 

Pinalawig pa ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang nararanasan na financial burden ng mga consumers mula sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

 

 

 

“The President signed the memorandum drafted by the Department of Transportation (DOTr), which said it considered the availability of the budget for service contracting under the 2022 General Appropriations Act for the extension of the free bus rides that started in April,” wika ng DOTr.

 

 

 

Kasama rin sa nasabing memorandum ang pagbibigay ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1 at Philippine National Railways (PNR) na magsisimula ngayon August kapag nagbukas na ang face-to-face na klase ng mga paaralan.

 

 

 

Nasa ilalim din ng nasabing memorandum na tinatapos na ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT 3. Kinakailangan gawin ito sapagkat sa ngayon ang MRT 3 fare ay heavily subsidized na ng pamahalaan.

 

 

 

Ang nasabing libreng sakay naman sa mga rail lines ay magsisimula sa August. 22 hanggang November 4 para lamang sa mga estudyante. Wala pa naman konkretong mechanics ang nilalabas ng DOTr para sa pagpapatupad ng nasabing libreng sakay.

 

 

 

Inaasahan ng Department of Education na may mahigit kumulang sa 38,000 na mga paaralan ang magbubukas ng face-to-face classes ngayon darating na pasukan.

 

 

 

“The move will ease the burden of rising living expenses on Filipino families and help them save money – especially with the return of face-to-face classes after more than two years,” dagdag ng DOTr.

 

 

 

Ang libreng sakay sa MRT 3 ay nakatulong sa mahigit na 28.62 million na pasahero na sumakay mula noong March hanggang June 30 kung saan nagsimulang tumaas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao lalo na ang pagkain.

 

 

 

Gumastos ang DOTr ng mahigit na P500 million para sa programang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT 3.

 

 

 

Samantala, pinahayag din ng DOTr na wala munang mangyayari pagtataas ng pamasahe sa MRT 3. Sa ngayon ang MRT 3 fare ay mula P13 hanggang P28. Ang mga senior citizens ay binibigyan ng 20 porsientong discount.

 

 

 

“These fares are currently subsidized by the rail management. For example, you pay P28, that is not the actual fare. It is even doubled,” saad ni MRT 3 general manager Michael Capati.  LASACMAR

Other News
  • P150K shabu nasamsam sa Malabon drug bust, 4 timbog

    MAHIGIT P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City. Ayon kay Malabon chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa […]

  • Hipolito bumuhat ng tanso sa Jeddah tourney

    Bumuhat ng bronze medal si Jeaneth Hipolito para simulan ang kampanya ng Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships sa Jeddah, Saudi Arabia.     Pumuwesto ang 14-anyos na si Hipolito sa third place sa itinalang 51 kilograms sa snatch event ng women’s 40-kilogram division.     Naglista ang tubong Zamboanga City ng […]

  • 102% ng target population sa NCR, nakakuha na ng first dose ng Covid vax

    SINABI ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 102.86% na ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Galvez, tumatayong chief implementer ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19, na may mahigit na 8.8 milyong indibiduwal o 90.75% ng […]