Dahil may umiiral na non-disclosure agreement: Sen. ROBIN, pasok sa ‘Maid in Malacanang’ pero palaisipan pa ang role
- Published on July 6, 2022
- by @peoplesbalita
MAY umiiral palang NDA (non-disclosure agreement) sa pagitan ng Viva Films at sa bumubuo ng production ng “Maid in Malacanang” na dinidirek ni Darryl Yap.
Ang ibig sabihin nito, walang pwedeng lumabas na balita tungkol sa movie at sa shooting, kung walang pahintulot ni Boss Vic del Rosario at ng Viva Films. Kaya lahat ng involved sa shooting ay hindi pwedeng tanungin ng nangyayari tungkol sa movie, kung hindi sila nagpaalam at pinayagan ng Viva Films.
Kaya nang ilabas ni Direk Darryl ang picture ni Senator Robin Padilla na nakasuot ng uniform ng isang sundalo, walang makapagsabi kung ano ang role niya sa movie, may nagtatanong kung siya raw ang gaganap sa character ni General Fabian Ver o ni Gringo Honasan na isang key player sa 1986 EDSA Revolution.
Hindi kataka-taka kung may iba pang artistang papasok na bubuo sa movie, bukod kina Cesar Montano as President Ferdinand E. Marcos, Ruffa Gutierrez as Madame Imelda Marcos and their children Imee (Cristine Reyes), Bongbong (Diego Loyzaga) at Irene (Ella Cruz).
Malapit na silang matapos ng shooting dahil may playdate na ito sa mga sinehan nationwide sa July 20. Marami nang nag-aabang sa movie na magpapakita ng last 72 hours bago nilisan ng mga Marcos ang Malacanang Palace.
***
TRENDING daily ang GMA Afternoon Prime series na “Apoy Sa Langit,” dahil na rin sa na-discover ng mga netizens na bagong young kontrabida, si Kapuso actress Lianne Valentin.
No wonder na laging mainit ang suporta ng mga netizens kaya madalas mag-viral sa Facebook at Twitter ang mga episodes nito, na madalas ay ang mga eksena between Lianne as Stella and Maricel Laxa as Gemma.
Noong isang araw ay nakakuha ng 2.2 million views ang episode nilang “Pictorial Turned Disaster” at ang sumunod na episode na “Stubborn Stella on the Loose” na nakakuha ng 4 million views.
Sa story ay mag-asawa sina Gemma at Cesar (Zoren Legaspi) at si Stella ay mistress ni Cesar pero nagpanggap silang mag-ama. Sabay na nagbuntis sina Gemma at Stella kaya laging naiinggit si Stella kapag binibigyan ng atensyon ni Cesar si Gemma. Kaya lagi siyang nagpaplano ng masama kay Gemma na madalas namang pumapalpak at nadadamay pa ang ibang kasama nila sa bahay, para pagtakpan ni Stella ang mga kamalian niya.
Pero ang maganda kahit nakakainis ang character ni Stella, hangang-hanga ang mga viewers sa husay ng pagganap niya. “Nakakaloka talaga ang story, parang totoo. Araw-araw inaabangan ko ito. Ang galing nila, super!” comment pa sa Facebook.
Napapanood ang “Apoy sa Langit,” Mondays to Saturdays, 2:30PM, after “Eat Bulaga.”
***
SUNUD-SUNOD na ang work ng mga Sparkada ng GMA Artist Center.
Isa rito ang Sparkada love team nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, na dalawang projects ang ginagawa ngayon, ang matagal nang inaabangang “Voltes V: Legacy” at ang romantic-comedy series na “What We Could Be” na mula sa production ng Quantum Films.
Parehong serye ang dalawang projects nila kaya mahabang panahon ang ginugugol nila sa dalawang set.
Nauna nilang sinimulan ang “Voltes V: Legacy,” on June, 2021, pero dahil sa mabusising production ng live-action anime adaptation, hindi pa rin sila tapos, pero ayon sa Instagram post ni director Mark Reyes, malapit na raw silang matapos ng taping.
Pero hindi naiinip sina Miguel at Ysabel kahit dalawang projects ang ginagawa nila, dahil nakahanap sila ng bagong family habang nasa lock-in taping sila, kasama ang cast mates nila na karamihan ay katulad nilang mga Sparkle artists din.
(NORA V. CALDERON)
-
POKWANG, Kapuso artist na rin after lumipat sa Kapatid network; ano kaya ang magiging project?
ANO kaya ang programang ibibigay ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist na si Pokwang? After lumipat sa Kapatid network ay official Kapuso artist na ang komedyana matapos na ito ay pumirma sa GMA 7. Siya ang latest sa mga dating Kapamilya talents na lumipat ng tahanan at tinanggap bilang mga […]
-
“DRAGON BALL DAIMA” EPISODIC SERIES TO STREAM WITH SUBTITLES ON CRUNCHYROLL THIS OCTOBER
Manila, Philippines (September 13, 2024) – In celebration of the 40th anniversary of Akira Toriyama’s original manga, which launched the Dragon Ball anime franchise, legendary studio Toei Animation brings fans a brand-new adventure. Dragon Ball DAIMA, the upcoming original anime series based on a new Dragon Ball story and characters from creator Akira Toriyama, […]
-
PBBM, naniniwalang walang dahilan para magtayo ang Pinas ng armory nito
WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magtayo ang Pilipinas ng armory nito. Para sa Chief Executive hindi palaging sagot ang “military solution” sa mga usapin. Sa isinagawang dayalogo kasama si World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa Davos, tinanong si Pangulong Marcos kung kinokonsidera nito na doblehin […]