• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Final na at walang balikan na naganap sa kanila ni Rabiya: JERIC, binura na ang lahat ng photos o post sa Instagram account

MUKHANG final na kaya at wala ng balikan na magaganap sa pagitan nina Jeric Gonzales at girlfriend niya na si Rabiya Mateo?

 

Sa totoo lang, naghihintay kami na ang ibabalita sa amin, “sila na ulit!” Kasi nga, gano’n na talaga ang pattern, magbi-break, then, magbabalikan.

 

Pero this time, mukhang totohanan na ha. Kaya siguro about “moving-on” na ang isang comment ni Rabiya. Napuno ba si Jeric sa ipinost ni Rabiya tungkol kay Tyler Mata?

 

Imagine, dinilete ni Jeric ang lahat ng photos o post niya sa kanyang Instagram account. Para bang sinasabi nito na fresh start na sa kanya? Huh!

 

***

 

HINDI naman matatawaran bilang isang actress ang isang Jacklyn Jose.

 

 

Not to mention, she is, Cannes Film Festival Awards Best Actress, pero sa kabila nito, as in, in all fairness to her, hindi siya namimili ng katrabaho niya.

 

Kahit na baguhan na baguhan pa ang artista, willing siyang makasama ito. At siyempre, aware si Jaclyn na pwedeng matakot o ma-intimidate sa kanya ang mga co-stars niya, lalo na nga’t baguhan. Pero kung meron man daw siyang isang paraan para ipakita ang suporta niya sa mga ito, ang ‘wag silang sindakin.

 

Gumaganap bilang ina ni Chloe Barreto sa bagong Viva max movie, ang “Tahan” si Tita Jane. Si Chloe ay super baguhan pa lamang, pero ayon sa premyadong actress, parang nakikita raw niya ang sarili niya kay Chloe, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya at nagpa-sexy rin sa mga movies.

 

At nang tanungin ito kung ano ang ibingay niyang payo kay Chloe, sey niya, “Sinabi ko na itodo na. Ibigay na niya agad ang lahat na hinihingi sa kanya. Kung sexy scene man ‘yan, itodo na niya para hindi na magpaulit-ulit. Kasi, gano’n din, magtatagal at uulit-ulitin din yung eksena, so, gawin mong one take lang.”

 

Hindi rin daw niya ugaling manindak ng mga co-stars kahit pa baguhan ang mga ito. Kung ano raw ang na-experience niya noon, ayaw raw niyang gawin sa mga bata ngayon. Naniniwala raw siyang the more na sindakin niya ang mga ito, mas lalo lang na hindi magagawa ng tama ang trabaho nila.

 

In fairness, puring-puri naman ni Tita Jane si Chloe. At kung meron man pwedeng ika-proud ang bida ng “Tahan”, yung sabihan siya na nakikita ng actress ang sarili sa kanya ha.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Abil, kakampay sa Marinera

    NAKAHANDA nang umariba para sa 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 ang Marinerang Pilipina sa paghambalos ng season-opening conference women’s indoor volleyfest sa darating na Pebrero 29.   Siguradong mangunguna sa opensa ng Marinera si ace player Judith Abil kasangga sina Dimdim Pacres, Ivy Remulla at import Hana Cutura.   Maski mabigat ang hamon sa […]

  • Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest

    NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi.      Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and […]

  • Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

    ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.     Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.     “It’s still the fight that people […]