Panukalang 15-day paid ‘family, medical leave’ inihain sa Senado
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAIN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang isang panukalang batas na siyang layong bigyan ang bawat ng empleyado ng 15 araw para alagaan ang mga kamag-anak na may sakit o kaya naman ang sarili.
Isinusulong ng Senate Bill No. 24 o “Family and Medical Leave Act of 2022” ang “15 days of paid leave” para sa bawat manggagawa — anuman ang kanyang employment status — na may asawa, magulang, o hindi pa ikinakasal na anak na nakararanas ng malubhang karamdaman.
Mungkahi rin ng panukalang bigyan ng parehong bilang ng araw ang mga empleyadong may malalang sakit.
“Hindi natin masasabi kung kailan magkakasakit ang sinuman sa pamilya natin. Kadalasan ito’y biglaan at hindi inaasahan, kung kaya’t binubutas nito ang bulsa at sinasaid ang ipon ng mga Pilipino,” ani Revilla sa isang pahayag, Huwebes.
“[K]ung maisasabatas ang Family and Medical Leave Act, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga kababayan natin para alagaan ang kanilang kapamilya ng hindi nag-aalala na mawalan sila ng sweldo at trabaho.”
Anang senador, madalas kasing nauubos ang pera ng mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa pamilya. Sa tuwing nagkakaroon ng sakit ang mga empleyado o kanilang mga kapamilya, madalas ding nauubos ang kanilang sick leave o vacation leaves.
Upang makwalipika sa naturang benepisyo, kailangan lang na may 12 months of rendered work ang empleyado at nakapagtrabaho na nang 1,250 oras.
Ani Revilla, hindi maaaring ipagkibit-balikat na lang ng mga Pilipino ang pamilya nila sa oras ng pangangailangan..
“[W]e know how much love and care Filipinos have for their families, and the sacrifices they would be willing to do in order to be by the side of their sick family members. We cannot abandon them in their time of need,” wika niya.
“[W]e should provide them with succor especially because having a sick family member causes not only emotional stress, but inevitably a dent in their savings,” giit pa niya. (Daris Jose)
-
May nagawa na ‘major major mistakes’: Pag-amin ni VENUS na may nakarelasyon na mas matanda, ikinagulat ng marami
MATAGAL na naging tahimik sa media si Miss Universe 2010 3rd runner-up Venus Raj sa anumang involvement sa showbiz at nag-concentrate ito sa kanyang pagiging community worker at pagiging speaker sa kanyang religious group. Kaya laking-gulat ng marami nang biglang nakuwento sa ito sa pakikipagrelasyon niya noong 16 years old siya sa isang […]
-
JOHN LLOYD, inamin wala sa plano at ‘di pa handa nang dumating si ELIAS MODESTO
ANG multi-awarded, box-office actor na si John Lloyd Cruz ang naging special guest ni Karen Davila sa kanyang kauna-unahang podcast. Diretsahan tinanong si John Lloyd, ano ang ikina-pagod niya? “I guess I got tired of fighting for the content that I want to see like on more commercial platforms. […]
-
VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec
NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections. Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]