• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.

 

 

Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern District Field Unit (CIDG-NDFU) sa isang hideout ni Emmanuel Joseph Bendal, 31 sa Room 3 David Apartment, McArthur Highway, Dalakitan, Brgy. San Matias, Sto Tomas, Pampanga alas-10:30 ng gabi, nasamsam ang isang hindi lisensiyadong Norinco Cal. 45 pistol, dalawang magazine assembly na may anim na bala at isang MK-2 na granada.

 

 

Ayon kay P/Cpl. Ferdinand Yap, isa sa mga operatibang nagtungo sa naturang lalawigan, kusang inamin ni Bendal ang pag-iingat ng nasamsam na baril at granada at sa tulong ng kapatid ng suspek na si Angelica Bendal Razo, madali nilang natunton ang lugar, kasama ang ilang tauhan ng Pampanga Provincial Field Unit at  opisyal ng barangay ng San Matias na tumayong testigo sa isinagawang police operation.

 

 

Nauna rito, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng CIDG-NDFU at Northern Police District (NPD) sina Bendal at driver niyang si Jess Noriega, 41 sa isang buy-bust operation Martes ng hapon sa 7th Avenue, Caloocan City matapos pagbentahan ng hindi lisensiyadong kalibre .45 baril ang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Narekober sa mga nadakip ang shabu at marijuana na may kabuuang halagang P1,528,000.00, pati na ang ibinebentang baril, mga bala at buy bust money.

 

 

Nauna ng binanggit ni Lt. Col. Bautista na sangkot ang dalawa sa pagbebenta ng ilegal na droga at hindi lisensiyadong armas sa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA). (Richard Mesa)

Other News
  • Sigaw ng mga fans ibalik si Baldwin!

    GUSTO ng mga fans na ibalik ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Tab Baldwin bilang head coach ng Gilas Pilipinas.     Sa laban ng Gilas Pilipinas at New Zealand noong Linggo sa FIBA World Cup Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum, ilang fans ang sumigaw para ibalik si Baldwin.     Mayroong […]

  • Proseso sa pagdi- distribute ng bakuna laban sa COVID, kasado na – Sec. Roque

    INILATAG na ng gobyerno ang sistema na ipatutupad na may kinalaman sa pagdating sa bansa ng COVID 19 vaccine hanggang sa ito ay maibigay na sa mga recipient.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa paliparan ay kukunin ang mga paparating na bakuna ng mga refrigerated trucks.   At mula sa airport ay […]

  • Service contracting ng PUVs tinaasan ang per kilometer incentive

    Tinaasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan.     Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan […]