• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grupo ng community bakers, humirit sa govt’ na dagdagan ng P4 hanggang P8 ang presyo ng pandesal

SA PAGTATAYA ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, sa ngayon kasi ay nasa 20% hanggang 25% ang bilang ng mga panaderyang napipilitang magsara nang dahil sa pagkalugi at mataas na presyo ng bilihin

 

 

Paglilinaw ni Dir. Jam Mauleon mula sa naturang asosasyon, sapat ang supply ng harina at iba pang sangkap ng tinapay sa bansa ngunit nang dahil sa matumal na palitan ng piso kontra dulyar ay apektado rin aniya ang kanilang operational cost dahilan kung bakit nahihirapang makaraos ngayon ang mga panaderya kahit na marami ang supply ng kanilang raw materials.

 

 

Habang idinagdag naman ni Dir. Princess Lunar, isa rin sa kanilang mga suliranin ay ang bilang ng mga panadero sa bansa.

 

 

Dahil kasi aniya sa mababang bentahan ng tinapay at mataas na presyo ng mga ingredients ay nahihirapan ang mga may-ari ng bakery na magpasweldo sa kanilang mga tauhan na minsan ay umaabot pa sa puntong kinakailangan nilang magbawas ng tao para lamang makatipid.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay nanawagan din ang grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan silang magpaliwanag sa mga mamimili kung bakit kinakailangang dagdagan ang presyo ng pandesal habang pang-unawa naman ang hiling nila ating mga kababayan. (Ara Romero)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos sa PSA na bilisan ang paglilimbag sa PhilSys digital ID

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Martes sa Philippine Statistics Authority (PSA) na i-fast-track o madaliin ang printing o paglilimbag sa digital version ng  Philippine Identification System (PhilSys) ID.     “Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we […]

  • Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs

    NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol.     Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa […]

  • Ads December 6, 2024