• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid

HIGIT  sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga St., Tatalon, Quezon City.

 

 

Dakong ala-1:00 ng hapon ng Hulyo 11, 2022 sa frisking area sa mga bumibisita sa maximum compound.

 

 

Sa ulat, nadiskubre ng tauhan ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BuCor) sa body searching sa suspek ang dala niyang selyadong envelope na naglalaman ng nasa 35 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P2,380,000.00.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Other News
  • Duterte kay Sara: ‘Wag tumakbong president

    Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at sinabihan na huwag magkakamaling tumakbong presidente ng bansa.     Sinabi ni Duterte na ayaw niyang insultuhin ang mga mamamayang Filipino pero wala namang nakukuha sa pagiging presidente maliban sa “sense of fulfillment.”     “Aside from […]

  • ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY

    Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives.   ‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill.   Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? […]

  • P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

    SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.     Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”     Ang punong […]