• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Tiktok video na inaakit nila si Derrick: KIRAY, kinabog ang seksing katawan nina ELLE at LIEZEL

PINOST ni Kiray Celis ang Tiktok video na inaakit nila nina Elle Villanueva at Liezel Lopez si Derrick Monasterio sa “Ma Boy Dance Challenge”.

 

 

 

Kinabog ni Kiray ang mga seksing katawan nina Elle at Liezel dahil naging asset niya ay ang kanyang matambok na puwet.

 

 

 

May “puwetserye” nga si Kiray sa Instagram kunsaan suot niya ang black swimsuit at proud niyang dini-display ang kanyang bilugang puwet.

 

 

 

Gusto lang daw gawin ito ni Kiray para mapasaya niya ang maraming followers niya sa social media. Tsaka habang bata pa raw siya, ipu-flaunt niya ang gusto niyang parte ng katawan niya na agaw-pansin sa mga netizen.

 

 

 

At kahit na may bashers siya, hindi patitinag si Kiray at hinahamon pa niya ang mga ito.

 

 

 

“Don’t underestimate me, until you challenge me. Dont’ judge me, until you know me,” sey ni Kiray na may halong pagbabanta.

 

 

 

***

 

 

 

BABAENG-BABAE na ang former child actor na si EJ Jallorina.

 

 

 

Nagbabalik siya sa pag-arte bilang isang full transwoman sa Quantum Film series sa GMA na What We Could Be na bida sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Marta.

 

 

 

Lumabas noon si EJ sa mga indie films na Pisay, Vhagets, New Moon at sa mga pelikula ng Regal Films na Manay Po: Overload, Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po at Love Is Blind.

 

 

 

Sa TV ay naging bahagi si EJ ng Goin’ Bulilit, May Bukas Pa, Mga Anghel Na Walang Langit, Mara Clara, Growing Up, Walang Hanggan, Princess And I, at Pintada.

 

 

 

Noong 2018 nag-out si EJ at nagbida siya sa pelikulang Mamu: And A Mother Too na tungkol sa isang batang transgender.

 

 

 

Ngayon ay ina-identify ni EJ na isa siyang trans non-binary. Tanggap niya na ang trato sa kanya ng nakararami ay isang tunay na babae.

 

 

 

***

 

 

 

KINUMPIRMA ng Marvel Film actress na si Elizabeth Olsen na two years na siyang kasal sa musician na si Robbie Arnett.

 

 

 

Sa naging interview ng bida ng WandaVision sa The Jesse Cagle Show, inamin niyang nagtanan sila ni Arnett at magaganap ang kanilang wedding very soon.

 

 

 

“It was before COVID. I just never talked about it. I had to work in England and there are visa issues with that. He wouldn’t have been able to come at all, actually. And also everything was so backed up. You couldn’t even, like, try to get married then. But it ended up working out,” pahayag pa ni Olsen na ma-engage kay Arnett three years ago.

 

 

 

Naging very private ang relasyon ni Olsen kay Arnett at iilang tao lang daw ang nakakaalam. Thankful din si Olsen na very supportive ang kanyang husband lalo pagdating sa matinding work schedule niya.

 

 

 

Gusto na rin daw ng aktres na magkaroon na sila ng anak ni Arnett: “I was also thinking, ‘There’s this small room upstairs, which would be good for a kid. “I don’t know where things will lead, but I do think about it in that way: ‘I think I could raise kids here.’”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PNP at DILG, nanindigan sa ‘pagkaka-aresto’ ni Quiboloy at hindi simpleng sumuko

    PINANINDIGAN ni Department of Interior ang Local Government(DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang terminolohiyang ‘naaresto’ bilang mas akma sa tuluyang pagkakasa-kustodiya ng mga otoridad kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. Una kasing sinabi ng kampo ng KOJC na hindi naaresto si Quiboloy, bagkus, kusa siyang sumuko sa mga otoridad. Pero giit ni Abalos, […]

  • PUMPING STATIONS NG NAVOTAS 72 NA

    PARA siguradihin na hindi na babahain sakaling may malakas na ulan at bagyo, nagdagdag pa ng pumping stations ang Navotas City, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa kung kaya umabot na sa 72 ang pumping station ng lungsod.     Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony […]

  • Christmas Tree pinailawan sa Valenzuela

    NAGNININGNING na mga awiting pamasko, dancing fountain, at kumikinang na mga paputok ang matatanaw sa Valenzuela City People’s Park kasabay ng pagpapailaw ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng 2022 “Tuloy ang Progreso” Tree of Hope, bilang dedikasyon sa 8,000 masisipag na empleyado ng city hall.     Kasama nina […]