• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA research, tiwala sa hakbang ng gobyerno na ituloy na ang pagsasagawa ng face to face classes

TIWALA ang OCTA Research sa desisyon ng  gobyerno  na ipilit ang face to face classes sa darating na Agosto para sa school year 2022- 2023.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni Dr. Guido David  na tiwala silang naging mabusisi ang gobyerno para pagpasiyahang ikasa na ang face to face ng mga mag- aaral.

 

 

Sa katunayan ani David ay suportado nila ang naturang hakbang ng gobyerno lalo nat naging matagal ang pagkakatengga ng mga estudyante sa kani- kanilang mga tahanan.

 

 

Sinabi pa nito na naka- apekto din aniya sa education quality ang matagal na pananatili  ng mga bata at kawalang interaksiyon sa kapwa nila mag- aaral bunga ng pandemya.

 

 

Kaya dapat lamang aniya na  ituloy na ang face to face lalo na’t hindi na naman ganoon kataas ang wave of infection na nakikita ngayon.

 

 

“We support iyong face-to-face classes, kasi ang tagal nang nakakulong iyong mga bata lalo na iyong mga students natin and this is affecting their education quality pati rin iyong productivity. Hindi ako makakapag-comment about iyong preparations na ginagawa ng mga concerned institutions,” aniya pa rin.

 

 

“Siyempre, I trust that they’re doing their due diligence. I think we have to push through with the face-to-face classes, lalo na kung hindi naman ganoon kataas iyong wave of infection na nakikita natin ngayon,” dagdag na pahayag ni David. (Daris Jose)

Other News
  • Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball

    Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA.     Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round.     Ito ang […]

  • Pamilya bibilhan na ng bahay ni Mark Magsayo upang makaalis na sa squatter area

    BUTUAN CITY – Matinding kasiyahan ang naramdaman ng mga mamamayan sa Bohol matapos manalo si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa kanilang away ni American boxing champion Gary Russel Jr. kung kaya’t kanyang nakuha ang World Boxing Council o WBC featherweight belt.     Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inilhayag ng ama ni Mark na […]

  • Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng bumaba – OCTA

    INAASAHAN ng OCTA Research group ngayong araw na magkakaroon ng pagbaba sa bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.       Sa kabila ito ng sunud-sunod na araw na nakapagtala ng nasa mahigit dalawang libong bilang ng mga kaso ng nasabing virus sa bansa.       Sa isang panayam ay sinabi ni OCTA […]