Ginebra nakuryente sa Meralco
- Published on July 15, 2022
- by @peoplesbalita
PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo.
Nag-ambag si Chris Banchero ng 17 markers at may 14 at 10 markers sina Cliff Hodge at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.
“It was nice to see guys chip in for a win,” sabi ni assistant coach Luigi Trillo na pansamantalang humalili kay coach Norman Black. “We’re trying to get multiple guys to contribute.”
Ito ang ikalawang dikit na kamalasan ng Gin Kings na nagbaba sa kanilang kartada sa 6-3.
Pinalobo ng Meralco ang kanilang kalamangan sa pagtatapos ng third period, 72-50, mula sa 51-33 halftime lead.
Sinubukan ng Ginebra na makabalik sa laro makaraang makalapit sa 71-84 agwat mula sa basket ni Scottie Thompson sa huling 2:06 minuto ng fourth quarter.
Ngunit umiskor si Newsome para ilayong muli ang Bolts sa 86-71 para pigilan ang Gin Kings sa natitirang 1:44 minuto ng laban.
Samantala, diniskaril ng Rain or Shine ang pag-usad ng Blackwater sa quarterfinals matapos kunin ang 107-90 panalo.
Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Elasto Painters matapos ang six-game losing skid para sa kanilang 3-6 marka at makasilip ng tsansa sa quarterfinals.
Nagtala si Rey Nambatac ng 26 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals habang may 20, 12 at 10 markers sina rookie Gian Mamuyac, Beau Belga at Gabe Norwood, ayon sa pagkakasunod.
Nalaglag ang Bossing sa kanilang ikalawang dikit na pagkatalo para sa 5-3 marka matapos humataw ng four-game winning streak.
-
QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras
Isang order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras. Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]
-
DepEd, iginiit na ginamit ang P150M confidential funds nito para kumalap ng impormasyon
IPINALIWANAG ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito. Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante. Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga […]
-
Team Phlilippines matindi ang laban sa 2023 Southeast Asian Games
DETERMINADO ang Cambodia na maging overall champion ng 32nd Southeast Asian Games na kanilang pamamahalaan sa susunod na taon. Sa katunayan ay inihayag ang host country ang paglalatag ng 608-event, 49-sport sa bienial meet na idaraos sa Phnom Penh at Siem Reap sa Mayo 5-16 sa 2023. Sinabi rin ng Cambodia […]